TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go na “closely monitored” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang palitan ng pag-atake ng Amerika at Iran sa isa’t isa.
Kaugnay nito, sinabi ni Go na pinakilos ni Pangulong Duterte ang DND, AFP, DFA at maging si Secretary Roy Cimatu para maseguro ang repatriation ng mga apektadong Filipino sa Iraq at iba pang lugar na apektado sa Middle East.
Ayon kay Go, nagpapahanda na rin ang pangulo ng pondo na magagamit para sa paglilikas sa mga Pinoy dahil base sa itinaas na alert level 4 ay kailangan talagang mailikas ang mga kababayan na nagtatrabaho roon.
Inilinaw din ni Go na ‘ASAP’ o agaran ang kautusan ni Pangulong Duterte na pagkilos para masiguro ang kaligtasan ng mga Filipino na kinabibilangan ng 1,600 kabilang ang 400 nakapag-asawa na sa Iraq.
Dagdag ni Go, base sa napag-usapan sa pulong ay gagamitin ang mga asset ng gobyerno sa paglilikas gaya ng C-130, mga barko ng Navy at Philippine Coast Guard.
(CYNTHIA MARTIN)