Tuesday , December 24 2024
Law court case dismissed

Supreme Court nagtalaga ng 50 judges-at-large

HINDI man lubos na naipa­tutupad, ikinatuwa na rin ni Senator Sonny Angara ang pagbuo ng Korte Suprema ng 50 judges-at-large posts.

Si Angara ang pangu­nahing may-akda ng Republic Act 11459 o ang Judges-at-Large Act na layon magkaroon ng mabilis na hatol sa mga nakabinbing kaso para sa paggawad ng hustisya.

Pagdidiin ni Angara dahil sa backlog ng mga kaso sa korte, apektado ang mga biktima ng krimen maging ang mga nakakulong na akusado na kinalaunan ay mapapa­tunayang inosente.

Paliwanag niya, naka­saad sa batas ang pagbuo ng 100 Judges-at-Large posts sa regional trial courts at 50 sa municipal trial courts.

Aniya, ang mga Judges-at-Large ay walang permanenteng sala at sila ay maaaring maitalaga bilang acting o assisting judges saan man korte sa bansa.

Ngunit sila ay tatanggap ng mga benepisyo, suweldo at pribilehiyo gaya sa regular court judges.

Nauna nang inianunsiyo ng Korte Suprema ang pag­buo ng 50 Judges-at-Large posts, 30 para sa RTCs at 20 para sa MTCs para sa partial implemen­tation ng RA 11459.  (C. MARTIN)

 

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *