Saturday , November 23 2024

2 Immigration Officers sa NAIA Terminal 1, ‘hilaw’ ba o ‘bopols’ lang!? (Attention: Comm. Jaime Morente)

NALULUNGKOT tayo sa kalidad ng ilang Immigration Officers (IO) na nakatalaga riyan sa Ninoy Aquiono International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nitong nakaraang linggo, isang pasaherong menor-de-edad na may dalang Recognition (paper) as Filipino citizen, ang dumating sa bansa at dala ang kanyang re-entry permit na lagi naman niyang ginagawa kada umuuwi siya sa Filipinas.

Sinita ng isang Immigration Officer (IO) SIENES ang bata, dahil hindi raw original ang dala niyang Permit to Re-Enter.

E ‘di siyempre nagulat ‘yung bata, kasi ‘yun naman lagi ang dala niya, duplicate copy ng kanyang Permit to Re-Enter.

So klaro naman ‘di ba!?

Pero mukhang hindi mapakali si IO Sietnes ‘este Sienes, kasi nga parang sinermonan pa ‘yung bata, na-trauma pa tuloy.

Hindi ba naiintindihan ni IO Sienes kung ano ang Re-Entry Permit?!

Simple lang naman, kung may pagdududa siya sa dokumento ng bata e ‘di kunan niya ng retrato at i-verify sa BI main office.

Kung akala ninyong tapos na, hindi pa po.

Isa pang Immigration Officer (IO) LASIN ang humabol sa pagpapasikat.

Sinita ang isang US military service man kung bakit travel document lang ang dala niya at ini-refer pa sa isang Bisor (de Suman ‘este Guzman) nila na mukhang kamote rin.

Wattafak!?

Hindi ba alam ni IO Lason ‘este Lasin na ang travel document ay iniisyu ng US Department of State kapag ipinoproseso pa ang passport ng pasaherong US citizen?

 Ano ba ang mga natutuhan ng dalawang kamote sa training nila bago sila naging Immigration Officer?

Sonabagan!

Talagang kakatwa ang kabalintunaan nitong Immigration Officers (IO) ni BI-POC chief Grifton Medina.

Ang problema sa BI-NAIA ngayon kapag “legitimate” ang pasahero kung ano-anong interogasyon ang ginagawa.

Pero kapag mga Chinese at Pinoy illegal tourist worker, aba, mabilis pa sa alas-kuwatro kung palusutin sa airport!

Katunayan, may naunang dumating na mga Koreano na dumaan sa dalawang IO. Aba, magugulat kang talaga dahil bukod sa mabilis na proseso ala-VIP treatment na, may escort pa.

Anak ng tipaklong!      

Gusto na nating tanungin si BI Commissioner Jaime  Morente at POD Chief Grifton, may krisis ba sa liderato ninyo Sir, at ganyan ang asal ng dalawang Immigration Officer na ‘yan sa NAIA terminal 1?!

Sana naman ay dalawa lang silang ganyan sa hanay ninyo. O baka naman gusto ninyong busisiin nang husto nang ma-evaluate ninyo ang Immigration Officers ninyo?!

Suggestion lang ‘yan Sir, kasi mukhang kailangan talaga.

‘Yun lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *