Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
fire sunog bombero

National Children’s Hospital nasunog

AABOT sa halagang P.2 milyong ari-arian ang natupok matapos sumik­lab ang sunog sa National Children’s Hospital sa E. Rodriguez Avenue, Brgy.Damayang Lagi, Quezon City kahapon.

Sa inisyal na ulat ni Arson Investigator, Inspector Sherwin Piñafiel ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP) dakong 10:28 am nang tupukin ng apoy ang bahagi ng ikapitong palapag na warehouse ng ospital na tinatambakan ng mga nagamit na medical equipment.

Ayon kay Piñafiel, gumagamit ng acetylene ang isa sa mga traba­ha­dor ng ospital para i-dis­posed ang mga lumang kagamitang pangmedikal nang matalsikan ang foam ng higaan at magli­yab ito dahilan para makasunog.

Tumagal ang sunog ng 25 minuto at ganap na naapula dakong 10:53 am na umabot sa ikatlong alarma.

Agad inilikas ang mga pasyente sa ilang palapag ng ospital upang hindi maapektohan ng sunog.

Tinitingnan ng arson investigator kung may negligence sa management ng ospital sa naganap na insidente.

Walang iniulat na  nasugatan o namatay sa insidente. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …