Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

MPD-TPU chief humingi ng ‘tara’ inreklamo sa GAIS

NASA hot water nga­yon ang hepe ng Tourist Police Unit (TPU)  ma­ka­raang ireklamo ng kanyang mga tauhan sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (GAIS) dahil sa umano’y pagtatalaga ng tara ng P150-P300 kada araw sa MPD Headquarters sa United Nation Ave., Ermita, Maynila.

Sa ulat ng MPD-GAIS, dakong 9:00 am kamakalawa, si P/Cpl. Jonathan Yasay, naka­talaga sa TPU ay nagtu­ngo sa kanilang tanggap­an para ireklamo ang kanilang hepe na si PLt. Noel Jesus Carlos.

Sa reklamo ni Yasay, naganap umano ang pag­mu­­mura sa kanya at pag­ha­ha­mon ng barilan ni Carlos sa kanilang tang­gapan na matatagpuan sa  Senior Citizen Garden sa Luneta Park, Ermita dalong 8:30 am.

Nag-ugat ang galit ng hepe dahil sa umano’y di pagbibigay ng tara ni Yasay.

Alas 12:30 ng tanghali noong araw na iyon nang magtungo sa MPD-GAIS ang iba pang pulis na sina P/SSgt. Abel Pureza, P/Cpl. Jay Aquino, P/SSgt. Dino Cabatbat para ire­klamo ang kanilang hepe.

Ayon sa isang insider ng MPD-GAIS, matagal na umanong ginagawa ni Carlos sa kanyang mga tauhan at kapag hindi nakapagbigay ay maga­galit kaya napipilitan ang ibang pulis na sumunod kahit ang ibinibigay ay galing umano mismo sa kanilang bulsa.

Nakatakdang sampa­han ng kasong graft sa Office of the Om­buds­man ang kanilang hepe.

Nabatid sa isang reliable source sa MPD, walang kinalaman si MPD Director P/BGen. Joel Balba sa mistulang nagbabalik na ‘tara system’ sa mga late o absent tuwing formation at checking of atten­dance sa pulis-Maynila.

Isang greivance commit­tee ang binuo ng MPD para aksiyonan ang naganap na rekla­mo.

Nabatid, isa sa mga mahigpit na ipinag­bawal ni dating MPD director P/Gen. Vicente Danao ang ‘tara system’ at maging ang ‘lubog,’ bagay na tinututukan at sinusugpo rin ngayon ni P/Gen. Balba.

(BRIAN BILASANO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …