Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhea Anicoche Tan, Marian Rivera at Rams David

Beautederm Home at Marian, tuloy ang partnership

Ang partnership naman ng Beautéderm ni Rhea Anicoche Tan, presidente at CEO ng Beautederm kay Marian ay nagsimula last year at pinasabog ng tagumpay nito ang social media at nag-trend sa halos lahat  ng news platforms sa bansa.

Itinatatag ang Beautéderm noong 2009. Kinatawan ng kompanya ang prinsipyo ni Rhea na mag-uumpisa ang kagandahan kapag inalagaan  ang sarili na kapag ginawa ito’y magiging mas malusog at makakapagpamalas ng kagandahan ‘di lamang sa panlabas pati sa panloob.

At bilang isa sa mga  top leader ngayon ng beauty and wellness industry, mahalaga para sa Beautéderm ang kaligtasan at pagiging epektibo ng lahat ng mga FDA Notified products nito, na gumagamit lamang ng mga natural na sangkap na pinagsama-sama para makapagbigay ng pinakamabilis at pinaka-epektibong long-term at sustainable result.

Isang consistent Superbrand awardee, ilan sa mga flagship brand ng Beautéderm ay ang Beautéderm Skin Set na kinabibilangan ng patented soap, toner, day cream, at night creams; ang  Purifie Facial Wash; at ang Beautéderm’s Origin Senses perfume line for men at pati na rin ang mga bagong produkto nito tulad ng Beauté Balm, Au Revoir Skin Soothing Oil, at Cristaux Gold Elixir Serum – na lahat ay top-selling products sa merkado ngayon. Sa ngayon, mayroong physical stores ang Beautéderm sa buong bansa at isa sa Singapore, at mayroon din itong halos 1,000 resellers at distributors dito at sa ibang bansa.

Ang Reverie by Beautederm Home ay isang exquisite line of home scents – mula sa soy candles hanggang sa room at linen sprays – na nilikha ng Beautéderm sa pakikipagtulungan kay Marian.

Ang Reverie line of Beautéderm Home ay may iba’t ibang scent tulad ng Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent), at Rest & Relaxation (Lavender Scent).

“Maligaya ako sa pag-represent ng Beautéderm Home,” ani Marian. “Pamilya ko na po ang Beautéderm Home. At home ako tuwing kasama ko sila at katrabaho ko sila. Laging sinisiguro ni Rhea na lagi akong komportable at sobrang halaga sa akin ng partnershipko sa kanya. Nagpapasalamat ako at inirenew ako ng Beautéderm Home para sa isang bagong taon at humbled ako sa tiwalang ibinibigay nila sa akin.”

Si Rhea naman ay mayroong very exciting news. ”Beautéderm Home and Marian are currently developing new products na idaragdag sa line dahil sa tagumpay ng Reverie,” ani Rhea. ”Ramdam namin sa Beautéderm ang ‘Marian fever’ noong ini-launch siya last year at patuloy pa rin naming nararamdaman ito dahil sa very good sales ng Reverie. Ang saya-saya namin dahil kasama pa rin siya and we can’t wait to work with her again for another fruitful year.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …