Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

May edad na’y umaatikabo pa rin ang attitude!

VERY intriguing ang nagsi-circulate na kuwento tungkol sa medyo nagkakaedad nang aktres (she is more than forty) na, in fairness, ay maganda pa rin kahit walang make-up.

Photo shoot iyon ng isang bagong TV series na maituturing nang veteran actress ang bida at isang good looking na twenty something na aktor.

Right after the application of make-up, all the more na lumutang ang alindog ng mature actress.

Anyhow, 1:00 pm nang dumating sa studio ang bidang aktres at nagpasabi agad na at 2:00 pm, she would be leaving because she was not feeling well.

Agad naman siyang inasikaso ng make-up artist at hairstylist ng produksiyon.

Ang kaso, almost 4:00 pm na ay hindi pa rin lumalabas ang bidang aktres sa make-up room dahil naookrayan umano sa damit na inihanda ng stylist. Nang hanapin ng aktres ang stylist, hindi ma-locate.

Nairita naturalmente ang bidang aktres sa mga pangyayari.

Anyway, the supporting cast of the TV series were interviewed, except for the lead actress who was not in the mood for an interview.

‘Yung photo shoot, tatlong beses na raw naudlot. Dapat sana ay sa location taping na lang kukunan ang mga artista.

In fairness, may karapatan naman daw si bidang aktres na ireklamo ang costume niya sa photo shoot dahil nagmukha siyang mataba rito.

Besides, if you happen to be the stylist in a project, dapat ikaw ang nagbibihis sa mga artista mo.

It follows na dapat nakabantay ka para matingnan kung okay ba ang fitting o mayroon pa bang aayusin.

Dapat parusahan ang ilusyonandang stylist.

Sa parte naman ng bidang aktres, baka hindi rin siya magtagal dahil sa kanyang pag-a-attitude!

Dahil lang sa hindi niya feel ang damit, maaapektohan na ang buong produksiyon? Mas makikisimpatiya pa sa kanya ang mga tao kung chill lang siya in spite of everything.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …