MISTULANG sampal sa makapal na pagmumukha ni convicted at fugitive “Ang Dating Daan” leader Bro. Eliseo F. Soriano ang pagkakabasura sa inihaing kaso ng kanyang mga alagad sa Members of the Church of God International (MCGI) laban sa inyong lingkod, kamakailan.
Kumbaga sa boksing, hindi man lang naka-first round ang pangha-harass sa akin ng mga damuho matapos ibasura ang kasong libel at cyber libel na inihain laban sa inyong lingkod ng mga nagngangalang Fernando Hirang I at Genesis Camacho sa Provincial Prosecutors Office ng Virac, Catanduanes.
Sina Hirang at Camacho, kapwa nagpakilalang mga alagad at tagasunod ni Soriano sa grupong ADD at MCGI, ay naghain ng kaso matapos ko raw silang tawagin na mga bobo, gago, at puro sira-ulo, sa aking programa sa radyo na sabayang napapanood via live streaming sa Facebook at You Tube.
Ayon sa dalawa, nagdulot din daw ng matinding kahihiyan para sa kanila ang bansag ko na ‘convicted’ at ‘fugitive’ kay Soriano sa aking programa.
Inaprobahan ni Provincial Prosecutor Mary Jane L. Zantua ang rekomendasyon ni Prosecutor I Francisco Aquino Samonte, Jr., na maibasura ang kaso laban sa inyong lingkod, may petsang September 11, 2019.
Sina Hirang at Camacho ay walang naipresentang ebidensiya na sila ang tinutukoy kaya’t ni katiting ay wala silang personalidad na maghain ng kaso, ayon sa resolusyon:
“In this case, complainants failed to show that the alleged defamatory statements specifically referred to them. They allege to have suffered pain and were deeply hurt because of the language used by respondent, but it cannot be said that the defamatory language broadcasted by respondent was specifically and individually addressed to them.”
Sinabi rin sa resolusyon, “Considering the fact that Ang Dating Daan is a huge religious organization where its members are scattered in and outside the country, it would be difficult for complainants to show that the statements were of and concerning them.”
Sina Hirang at Camacho ay kapwa ignorante – kung ‘di man ay sadyang mangmang sa batas – hindi nila alam na isa ang “identification” sa apat na mahalagang elemento ng libel o pagtukoy sa pangalan ng tao.
Naniniwala tayo na hindi pansariling ideya nina Hirang at Camacho ang pangha-harass sa akin at kung may lihim na nag-udyok sa kanila sa naibasurang kaso ay sila lang ang nakaaalam.
Tanging ang puganteng lider nina Hirang at Camacho na si Bad Eli Kuyukot Soriano (as in BEKS) lamang ang maaring maghain ng kaso laban sa atin dahil siya ang aking pinangalanan.
Ang problema, ang wanted rapist na ADD-MCGI leader ay malaon nang nagtatago sa malayong bansa ng Brazil bunsod ng kasong rape na kanyang kinakaharap.
Base sa record, si Bro. Eli ay nakatakdaang basahan ng sakdal ng mababang hukuman sa kasong rape pero hindi siya sumipot sa itinakdang arraignment noong June 2, 2009.
Sadyang hindi dumalo si Bro. Eli sa itinakdang pagbasa ng sakdal laban sa kanya sa kasong rape na walang piyansa at nadiskubre ang kanyang pagtakas palabas ng bansa noong December 14, 2015.
Kalaunan ay natuklasan na si Bro. Eli ay doon nagtatago sa Brazil na wala tayong ‘extradition treaty’ na maaari siyang ipatapon pabalik sa bansa upang harapin ang paglilitis sa kasong rape laban sa kanya.
Sa pagkakatanda natin, ang pangalan ni Bro. Eli ay nasa “red notice” ng International Police (Interpol) at saan man teritoryo sumayad ang kanyang paa na mayroong tayong extradition treaty ay maaari siyang arestohin.
Halimbawa, sa sandaling tumapak ang paa ni Bro. Eli sa Philippine Embassy doon sa Brazil ay maaaring ipatupad ang pag-aresto sa kanya at isuko siya sa Interpol dahil ang embahada ay itinuturing na teritoryo ng ating bansa.
Sa pagkakaalam din natin, si Bro. Eli ay humahawak ng Brazilian passport kaya’t maaari lamang siyang maaresto oras na siya ay tumapak sa ating embahada sa Brazil.
Payo natin sa mga panatikong ADD-MCGI, pauwiin n’yo ang baklang si Bro. Eli upang siya mismo ang makapaghain ng kaso laban sa akin na handa kong harapin.
Tama ba, “Bonjing”?
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])
KALAMPAG
ni Percy Lapid