Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mapua, binulabog ng bomb threat (Pekeng IED natagpuan)

BINULABOG ng bomb scare ang Mapua University kahapon ng umaga mula sa nagpakilalang miyembro ng ‘New People’s Army (NPA)’ sa Intramuros, Maynila ngunity kalaunan ay natuklasang ‘hoax’ at bomb scare ang naganap.

Dahil dito, tuluyan nang sinuspende ng Mapua manage­ment ang klase at ipina­tupad ”Digital Day” o ang klase ay gaganapin online.

Nabatid na isang text message, mula sa hindi inilabas na numero ang natanggap ng isang estudyante, na nagpaabot sa security guard na si Alvin Manzano dakong 8:20 am.

Nakasaad sa mensahe ang bantang, “Kami ang New People’s Army nagtanim ng bomba sa loob ng mapua Uni­versity, Intramuros, Manila. Makikita ang isa sa loob ng CR malapit sa N12, 9am magsimula ang pagsabog mabuhay ang NPA!”

Mabilis na pinuntahan ni Manzano ang naturang CR at nakita ang isang bottle container na may nakakabit na orasan.

Idineklara ng mga tauhan ng Manila Police District -Explosives and Ordnance Division (MPD-EOD) bilang ‘hoax’ o pekeng bomba dahil walang kompletong component ng pampasabog.

Nagsagawa ng inspeksiyon ang EOD at dakong 11:00 am nang ideklarang negatibo sa bomba at iba pang hazardous materials ang Mapua, Intramuros campus.

Tiniyak ng pamunuan ng unibersidad na patuloy silang nagpapatupad ng mahigpit na security measures sa kanilang mga campus dahil ang kaligtasan ng mga estudyante at mga empleyado ang kanilang pra­yoridad.

Magugunita na noong 19 Setyembre ay nagsuspende rin ng klase ang Mapua University sa kanilang Intramuros at Makati campus dahil sa natanggap na bomb threat.

Nabatid na examination week nang makatanggap ng bomb threat ang Mapua sa Maynila at sa Makati.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …