Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun dead

Grocery owner patay sa boga, holdaper todas sa ‘lumilipad’ na LPG tank

HINDI nakaligtas sa kama­tayan ang isang babaeng negosyante na may-ari ng groceries store nang pa­sukin at makipagbuno sa holdaper sa bayan ng Nor­zagaray, sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa ng gabi, 3 Setyembre.

Ngunit hindi rin naka­takas ang hindi kilalang holdaper dahil inabot siya ng ‘lumilipad’ na tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) na ibinato sa kanya ng ‘helper’ ng grocery store.

Sa ulat mula sa Norza­garay Municipal Police Station (MPS), kinilala ang biktimang si Melanie Palad, may-ari ng grocery store sa Bayumbon St., Barangay Poblacion, sa naturang bayan.

Batay sa kuha ng CCTV na hawak ng mga awto­ridad, dakong 7:00 pm pumasok ang holdaper sa tindahan ng biktimang si Palad.

Nagdeklara ng holdap ang suspek ngunit nanlaban si Palad at nagpambuno ang dalawa hanggang barilin ng holdaper ang biktima na kanyang ikinamatay.

Agad sumaklolo ang helper (hindi na binanggit ang pangalan para sa segu­ridad) na noon ay kapapasok lang sa trabaho at may pasan na tangke ng LPG.

Agad niyang inihampas ang tangke ng LPG sa holda­per pero nakakaripas pa ng takbo palabas ng tindahan.

Bago tuluyang makala­yo, ubod lakas na ibinato ng helper ang tangke na tumama sa ulo ng holdaper na bu­mag­­sak na patay sa kalye.

Lumapit ang isang lala­king hinihinalang kasab­wat ng nakabulagtang holdaper na binalibag din ng tangke ng helper ngunit nakailag nang akma nitong kukunin ang baril ng kasama.

Mabilis na tumayo at tumak­bo papalayo ang kasama ng namatay na suspek habang nagpa­paputok ng baril.

Kaugnay nito, naglaan ng pabuyang P.1 milyon si Norzagaray Mayor Fred Germar sa makapagbibigay ng impormasyon ukol sa pagkakakilanlan ng napatay na holdaper at sa kasama nitong nakatakas upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Palad.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …