Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Child Haus ni Mother Ricky, malaking tulong sa tulad kong may sakit

SA  Child Haus kami nanunuluyan habang ginagamot. Ang Child Haus ay ipinatayo ni Mother Ricky Reyes with the kind heart of Philantropist Mr. Henry Sy at ng pamilya niya. Kaya 10 times kaming sumasaludo kay Mother Ricky at pamilyang Sy. Pagpalain sila ng Diyos.

Gusto ni Mother Ricky na makatulong sa mga maysakit at nakilala niya ang pamilya Sy na nag-donate ng 10 hectares na lupain na pinatayuan ng isang mataas na building na pinangalanang CHILD HAUS na nagsisilbing tuluyan ng mga may cancer at mula sa mga pamilyang mahihirap na walang kakayahang magbayad o magpa-ospital.

Kompleto sa mga gamit, mga magagandang higaan ng mga pasyente at mababait ang kanilang mga bantay, klmpleto sa pagkain, almusal, tanghalian, meryenda, at hapunan.

In return, tumutulong ang mga bantay ng pasyente sa mga gawain sa loob ng Child Haus tulad ng paglilinis, pagluluto, pagpe-prepare ng pangangailangan ng bawat pasyente sa araw araw.

Dahil kay Erlinda Rapadas (kapwa ko manunulat) kaya ako nasa Child Haus. Siya ang tumawag at kumausap kay Mother Ricky ukol sa aking kalagayan, kung kaya naman inimbita kami ni Mother na roon na manuluyan habang tuloy ang treatment sa akin ng mga doctor sa PGH.

Maraming surprises si Mother Ricky nang dumating ako sa Child Haus, cry ako ng cry. Kasi ang mga entertainment press na very close sa akin ang sumalubong, bukod sa isang misa ng dalawang pari, nandoon sina Ethel Ramos, Ricky Lo, Aster Amoyo, Virgie Balatico, Veronica Samio, Luz Candaba, Erlinda. Ang laking tulong sa akin ni Linda, God Bless you all!

SALAMAT at bahala na si Lord Jesus, gabay de Nazareno  sa lahat ng tumulong sa akin—prayers and kinds and datung.

Salamat din kina Boots Anson Roa and King Rodrigo na may lakip na get well soon message. Marian-GMA7, Cong. Dan Fernandez, Sen. Bong Go, Bayani Agbayani,Robin Padilla, Phillip Salvador, Salve Asis, Rodel Fernandez, Mico, Sandy ES Mariano.(PAR-PCI) President, Leony Garcia, Cristy Fermin, Wendell, Willy Revillame Wowowin, Lolit Solis, Sen. Bong Revilla, Mayor Lani Mercado, Revilla of Bacoor and Family Ramen, Coquia, Joey Coquia, Mr. Wang, Mr. Hans and Henry Sy, PGH doctors, Child Haus staff, Emy, Daydee and employees, Sir Jerry Yap ng  Hataw  and Maricris Nicasio, my editor.

Neighbors—Ruth, Nori, Neri, Brenda, Sunshine, Norma Coquia, Lani, Bob and Jim Estrabella. Abot langit na pasasalamat, Rameng, Sunshine, Ate Norma and Norman.

NO PROBLEM DAW
ni Letty G. Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …