Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Tulak na ex-carnapper bulagta sa enkuwentro

TODAS ang isang drug pusher na miyembro rin ng isang carnapping group sa pakiki­pagbarilan laban sa mga kaga­wad ng Bulacan police sa pina­igting na kampanya kontra ilegal na droga kamakalawa, 10 Agos­to.

Kinilala ni P/Col. Chito Ber­saluna, provincial direc­tor ng Bulacan PNP, ang na­pa­tay na si Emerito Manuel, alyas Nene, nasa hustong gulang at resi­dente sa Sitio Luwasan, Bara­ngay Cat­mon, sa bayan ng Sta. Maria, lalalawigan ng Bulacan.

Batay sa ulat ni P/Lt. Colonel Carl Omar Fiel, hepe ng Santa Maria Municipal Police Station (MPS), si alyas Nene ay nakipagbarilan sa mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Santa Maria MPS makaraan ang isang transaksiyon sa droga.

Nabatid na nakatunog si alyas Nene na undercover agent ang katransaksiyon kaya bumunot ng baril at pinaputukan ang mga alagad ng batas na napilitang gumanti na ikinabulagta ng suspek.

Sa masusing pag-iimbestiga, napag-alamang si alyas Nene ay kilalang supplier ng shabu sa nasa­bing barangay at kanugnog-lugar.

Kabilang din siya sa PNP/PDEA drug watchlist ng Sta. Maria MPS.

Napag-alaman din na dating miyembro ng carnapping group na kumikilos sa Santa Maria at kalapit-bayan ang napatay na suspek.

Narekober sa crime scene ang siyam na pira­song plastic sachet ng shabu, isang kalibre .38 homemade revolver na walang serial number, at mga bala. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …