Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
rape

Nilasing muna 2 dalagita sabay ginahasa ng dalawa

SA KULUNGAN na nag­pababa ng tama ng alak ang isang 19-anyos at 17-anyos na sinamantala ang kalasingan ng dalawang 15-anyos dalagita na kanilang pinagsa­manta­lahan sa Navotas City, kamakalawa ng gabi, iniulat ng pulisya.

Sa ulat na tinanggap ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas mula sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD), inimbi­tahan ng mga suspek na si Chijaiky Arex Alonzo, 19, at ng 17-anyos na itinago sa tawag na alyas Popoy, ang mga bikti­mang itinago sa panga­lang Rosana at Diana, Grade 10 students at kapwa 15-anyos, na mag-inuman sa isang bahay sa Policarpio St., Brgy. San Jose na pinaunlakan ng dalawang dalagita.

Pagsapit ng 11:00 pm, nalasing ang mga biktima at hindi na makagulapay pero imbes ihatid pauwi, sinamantala ng mga suspek ang kalasingan ng dalawa at magkasabay nilang ginahasa sa loob ng naturang bahay.

Nagawang makauwi ng dalawang biktima sa kani-kanilang bahay matapos mahimasmasan sa kanilang kalasingan at dito na nila isinumbong sa kanilang mga magulang ang kahalayang ginawa sa kanila.

Agad humingi ng tulong sa pulisya ang mga magulang ng mga biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa dala­wang suspek sa ginawang follow-up operation.

 (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …