Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, na-report sa FB dahil akala poser at fake account

SINUBUKAN pala ni Kris Aquino na gumawa ng personal account sa Facebook bukod sa kanyang official Facebook page. Gusto kasi niyang makapag-reply at makapag-interact sa kanyang friends, supporters, at followers sa social media.

Pero naloka si Kris dahil may nag-report sa ginawa niyang FB account at na-disable ito. Sumunod ay natawa na lang siya dahil inakala siguro ng nag-report ay poser siya at fake account iyon.

Nasagap namin ang kuwentong ito sa aming kasamahan sa panulat at dating entertainment editor na si Dindo Balares, na close friend ni Kris.

Ayon daw kay Kris, ”I made an account para mag-reply sa FB. Disable likes, add requests, basta everything sa privacy. So last night nag-effort to reply. Ni-report ako. Feeling fake Kris Aquino. Disabled my account. And all I wanted to do was reply. So laugh tayo.”

Biruin mo ‘yun si Kris na mismo ang gumawa ng FB account niya pero in wanting to interact hindi pinaniwalaan na siya talaga si Kris Aquino.

Hindi na lang nagpaapekto si Kris sa nangyari at sa halip ay tinawanan na lang niya ito at “na-cute-an” pa siya sa nangyari.

Dahil dito aayusin na lang ni Kris ang kanyang official FB page para roon na lang makapag-interact at maka-reply sa kanyang friends, supporters, at followers sa social media.

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …