Monday , December 23 2024
arrest prison

Huli sa akto… Lola, tinangkang halayin binata arestado

HINDI nagtagumpay ang isang lalaki na gahasain ang isang natutulog na lola nang magising at manlaban sa suspek sa bayan ng Angat, lalawigan ng Bulacan.

Batay sa ulat mula kay P/Maj. Isagani Santos, hepe ng Angat Municipal Police Station (MPS), ang suspek sa tangkang panggagahasa ay kinilalang si Melvin Combis, 25 anyos, binata, at residente sa Pulong Tindahan Banaban III, Barangay Banaban, Angat.

Nabatid, dakong 12:15 pm kamakalawa, habang mahimbing na natutulog  sa kuwarto, biglang nagising ang 70-anyos lola nang maram­da­man na may nakapatong na mabigat sa kanyang katawan.

Nang imulat ang mga mata, nagulantang ang lola nang makita ang hubad na si Combis at pilit isinisiksik ang sarili sa kanya upang siya ay gahasain.

Sa kagustuhang maipagtanggol ang puri nanlaban ang biktima at puwersahang itinulak palayo sa kanya.

Ang kaguluhan sa pagitan ng dalawa ay narinig ng mga kasambahay ng biktima na agad sumaklolo at huling-huli nila sa akto ang kahalayang ginagawa sa matanda.

Tinangka ni Combis na tumakas pero naaresto na siya ng mga miyembro ng Angat MPS na agad nakapagresponde sa lugar.

Kasalukuyang nakakulong sa Angat Municipal Jail ang suspek na nahaharap sa kasong pananakit at ‘attempted rape’ sa lola.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *