Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun shot

Estudyante 1 pa sugatan sa gang war

DALAWA ang sugatan, kabilang ang isang 15-anyos babaeng estu­dyante nang tamaan ng bala sa naganap na sagupaan ng dalawang magkalabang grupo sa Caloocan city, kama­kalawa ng gabi.

Ginagamot sa Mani­la Central University (MCU) hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Cristina Pauline ng Pag-asa St., Payatas, Brgy. 147, at Arthur Aten­cio, 18 anyos, ng Narra Alley, kapwa sa Bagong Barrio.

Pinaghahanap ng mga tauhan ng Caloocan Police Community Pre­cinct (PCP) 1 upang maaresto ang suspek sa pagpaputok ng baril na kinilalang alyas Mara­villa, 19, taga-Kapa­yapaan St., Brgy. 150, mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Dakong 10:20 pm nang magkaroon ng sagupaan ang dalawang magkalabang grupo sa kahabaan ng Milagrosa St., Brgy. 149, Bagong Barrio at sa gitna ng sagupaan, nagpaputok ng baril si Maravilla at tinamaan sa katawan ang mga biktima.

Inaalam ng pulisya kung ang dalawang mag­kaaway na grupo, na kaanib si Maravilla, ay grupo ng Sawako at Demon Gangs na pa­wang nasangkot sa kaso ng pamamaslang, ilang taon na ang nakararaan sa nasabing lugar.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …