Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead

Babae pinatay ng lalaki sa loob ng apartelle

ISANG hindi kilalang babae na hinihinalang pinaslang ng kasamang lalaki na nag-check-in sa isang apartelle ang natagpuang patay sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Dakong 3:00 am nang matagpuan sa loob ng isang silid sa HSIRI Apartelle na may umaagos pang dugo sa ilong ang biktima na hinihinalang dumanas ng hirap sa kamay ng suspek.

Sa ulat na natanggap ni Caloocan Police chief P/Col. Noel Flores, dakong 12:04 am nang mag-check in ang biktima at kasamang lalaki sa apartelle na matatagpuan sa A. Mabini St., Maypajo at inokupa ang Room no. 220.

Pagkatapos ng tatlong oras, nakita ng desk personnel na si Jesica Edquilang ang paglabas ng lalaki sa silid kaya’t tinangka nitong harangin upang singilin at tanungin na rin kung nasaan ang kanyang kasamang babae pero imbes huminto ay nagtatakbo patungo sa hindi nabatid na lugar.

Agad nagpasama si Edquilang sa dalawang room boy na sina Jhonny Pombo at Reu Ben Bantilo sa inokupang silid ng dalawa at kinatok ang pintuan ngunit walang sumasagot kaya’t kinuha ang duplicate key ng silid.

Nang mabuksan ay tumambad sa kanilang ang biktima na wala nang buhay at may umaagos pang dugo sa ilong.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya at nirerebisa ang kuha ng CCTV ng apartelle upang kilalanin ang lalaking kasamang nag-check in ng biktima habang nakatakdang isailalim sa autopsy examination ang bangkay upang alamin ang dahilan ng kanyang kamatayan.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …