Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MISMONG si Manila Police District (MPD) director P/BGen. Vicente Danao Jr., ang nanguna sa imbestigasyon at naglatag ng dragnet operation laban sa mga nakatakas na bank robbers kahapon. (BRIAN BILASANO)

Metrobank sa Binondo hinoldap (P1-M alok ni Isko vs holdapers)

NAGLATAG ang Manila Police District  (MPD) ng dragnet ope­ration para sa agarang ikadarakip ng pitong  suspek na nanloob sa isang sangay ng Metro­bank sa Binondo, kaha­pon, Huwebes ng umaga.

Sa ulat, 8:40 am nang looban ng mga suspek ang nasabing banko na kabubukas lamang.

Ipinasok umano sa kuwarto ang mga emple­yado at iginapos gayon­man walang iniulat na nasaktan.

Kaugnay nito, nag-alok ng P1 milyong pabuya si Manila Mayor Isko Moreno sa maka­pagtuturo, nakaaalam o makapagbibigay ng im­pormasyon sa mga suspek.

Nabatid na tinangay ng mga holdaper ang CCTV ng nasabing banko ngunit nakakuha ang MPD ng kopya ng CCTV sa barangay para ma-review.

“I hope itong mga kriminal, tumigil na po kayo. Huwag po kayo pumunta sa Maynila. We will pursue, hahanapin po namin kayo, hindi namin kayo bibigyan ng kapana­tagan. Hindi namin kayo papayagan na guluhin, prehuwisyohin ang ma­ma­mayan ng lungsod ng Maynila,” babala ni Moreno sa mga holdaper.

Sa ngayon, nagpapa­tuloy ang imbestigasyon ng  MPD-PS 11 sa insi­dente.  (May kasamang ulat nina BRIAN BILASANO at Rica Anne Dugan, OJT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …