Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot naghahanap ng bahay nahalay

ISANG babaeng naghaha­nap ng mauupahang bahay ang naging biktima ng panggagahasa matapos sumama sa mister na nag-alok ng matitirahan sa  Valenzuela City, kama­kalawa ng hapon.

Sa ulat ng pulisya, nakikipag-inuman sa isang kaibigang babae ang bikti­mang itinago sa pangalang Sabel, nasa hustong gu­lang, sa Tatalon St., dakong 3:00 pm nang dumating at makitagay sa kanila ang suspek na si Roberto Abalos, 50 anyos, residente sa Villanueva Compound, Brgy. Ugong ng nasabing lungsod.

Napag-alaman ni Abalos na naghahanap ng mauu­pahang apartment ang biktima kaya’t inalok na sa kanyang tirahan muna tumuloy hangga’t hindi pa nakahahanap ng matitirahan na pinagkatiwalaan naman ng babae.

Pagdating nila sa bahay at ng nasa loob na, nagulat ang biktima nang ikandado ng suspek ang pintuan bago kumuha ng kitchen knife at puwersahan siyang kina­ladkad papasok sa silid habang nakatutok ang patalim.

Sa pamamagitan ng pananakot, puwersahan niyang nahubad ang kasuo­tan ng babae hanggang magtagumpay na maisa­katuparan ang maka­mun­dong pagnanasa sa babae.

Nagawang makatakas ng biktima at humingi ng tulong sa mga tauhan ng Valenzuela Police Com­munity Precinct (PCP) na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong panggagahasa.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …