Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino
Kris Aquino

Kris, may sagot sa nag-usisang netizen ukol sa ineendosong sabon

NA-CURIOUS ang fans at Instagram followers ni Kris Aquino nang lumabas ang bagong TV commercial ng Ariel na tampok si Lea Salonga. Kaya naman isang netizen ang nagtanong at nag-usisa kay Kris ukol sa naturang endorse­ment, na for the longest time ay inendoso ng Queen of All Media.

Ayon sa netizen sa IG comments ng isang post ni Kris, ”@krisaquino binitiwan na po ba kayo ng Ariel? Although i love Miss lea too. I using ariel mula nun kahit dito ako sa ibang bansa pumupunta ako sa phil prod at bumili  mabango kc.”

Sagot naman ni Kris, ”i have been taught GRATITUDE. i have had a wonderful, bilangin natin, 14 years (2005 was the 1st Pantene TVC) with @proctergamble. i have NEVER been selfish. Very blessed though, shooting on Thursday with @unilever. Umiikot ang mundo. And sincerely HAPPY where i am and with the endorsements i have. God has been so good. Several new ones with multinational and trusted local ones confirmed & with the contracts already being reviewed by DIVINA LAW. So let’s thank God for what’s here and what’s coming okay?”

Actually, kahit pinalalabas na ang Ariel TVC ni Lea, may pagkakataong napapanood pa rin namin ang TVC ni Kris. At sa isa pang commercial ng nito na tampok ang isang ordinaryong misis, nabanggit nito sa dialogue si Kris. Iba naman kasi talaga mag-endorse si Kris.

Thankful and happy lang si Kris na sa kabila ng pagsasapubliko niya ng kanyang autoimmune disease ay marami pa ring mga kompanya at brands ang nagtitiwala sa kakayahan niya bilang product endorser at ambassador.

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …