Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

VK at fruit game machines minaso ni Isko at Danao

WINASAK sa pangu­nguna ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga na­kompiskang video karera at fruit game machines kahapon ng umaga, 3 Hulyo, sa Manila City hall quadrangle.

Ayon kay MPD Direc­tor P/Brig. Gen. Vicente Danao Jr., umabot sa 75 piraso ng video karera at fruit games ang nasam­sam sa isinagawang ope­rasyon sa buong magda­mag.

Partikular na minaso ni Domagoso at Danao ang mother board ng mga makina.

Ayon kay Domagoso, magsilbi itong babala sa lahat na hindi nila kino­konsinti sa lungsod ng Maynila ang ilegal na sugal.

Ginagamit aniya itong lugar para sa benta­han ng droga dahil kara­mihan ng mga nagvi-video karera ay gumaga­mit ng droga.

Nagbabala rin si Do­ma­go­so sa mga pulis na protektor ng mga ilegal na sugal kong mayron man, na tumigil na dahil kanilang sisi­yasatin at iimbes­tigahan ang mga pulis na sang­kot.

Inaasahan ng Alkal­de, sa susunod na mga araw ay mas marami pang makokompiskang mga makina dahil sa puspusang pagsuyod ng pulisya sa pangunguna ni Danao sa mga lugar na maraming ilegal na pasugalan.

(May kasamang ulat ni Brian Bilasano)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …