Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Probinsyano, ‘di natinag sa pangunguna; Arron at Martin, pasok na sa action-serye

KARANIWANG tinututukan ng mga manonood ang isang programang magtatapos na (kung talagang sinusubaybayan iyon). Pero hindi iyon nangyari sa katapat na programa ng FPJ’s Ang Probinsiyano, ang Kara Mia, na nag-end na noong Biyernes.

Nananatili kasing pinakapinanonood na serye sa bansa ang action-serye ni Coco Martin. Hindi siya nagapi ng katapat nitong programa na nagtapos na at ang bagong naging katapat, ang Sahaya.

Binuksan ng Kapamilya serye ang Hulyo nang nangunguna sa timeslot sa pagpalo nito sa 37.5% noong Lunes (Hulyo 1), samantalang 18.7% lamang ang naitala ng bagong karibal nitong Sahaya, ayon sa datos ng Kantar Media. Humataw naman sa national TV rating na 35.6% ang Kapamilya serye noong Biyernes (Hunyo 28), o 14.1 na puntos na lamang kompara sa Kara Mia na mayroon namang 21.5%.

Samantala, napanood din noong Lunes ang pagpasok ng apat na bagong karakter sa Ang Probinsyano. Ito’y pinangunahan ni Arron Villaflor na isang alagad din ng batas ang karakter. Siya si Police Captain Amir Marquez.

Kasama ni Arron ang tatlo pang miyembro ng kanyang bagong task force na sina Kaiser Boado, Josef Elizalde, at Martin Escudero, Misyon nilang tulungan ang Task Force Agila ni Cardo Dalisay (Coco) para hulihin si Alias Bungo (Baron Geisler) at grupo nito na siyang pumatay kay Police Captain Francisco ”Chikoy” Rivera.

Hindi ito ang unang pagsasama nina Coco at Arron. Una silang nagkatrabaho sa Juan dela Cruz noong 2013.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …