Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Pinandidirihan si Cayetano

SA pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22, pormal nang tutuldukan ng mga kongresista ang hibang na pangarap ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na maging speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Pormalidad na lamang ang mangyayari sa araw ng State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at tuluyang idedeklara ng mga kongresista si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang bagong Speaker.

Kung tutuusin, sa simula pa lamang ng karera ng speakership para sa 18th Congress, hindi na talaga kasali itong si Cayetano, at sa pagitan nina Velasco at Leyte Rep. Martin Romualdez na lamang ang bakbakan para sa liderato ng Kamara.

Bagamat sa darating na Biyernes pa, Hunyo 28, ihahayag ni Digong ang kanyang mapipiling Speaker, masasabing nakapagdesisyon na ang pangulo at tinitiyak na si Velasco ang pipiliin nitong mamuno ng Kamara.

At kahit palutangin pa ni Cayetano na pumapayag siya sa term sharing sa pagitan nila ni Velasco sa pagka-Speaker, masasabing wala na rin itong saysay dahil nakapagdesisyon na nga ang mga kongresista sa kung sino ang gusto nilang maging lider.

Wala sa katauhan ni Cayetano ang mamuno at isulong ang mga priority bills ni Digong. Bukod sa maangas at may kayabangan, marami ang nagsasabinmg maraming ‘nasagasaan’ at naging kalaban itong si Cayetano bilang isang politiko.

Kahit ang bloke ng mga party-list ay galit kay Cayetano at sinasabing  itinuturing lamang silang ‘third class citizens’ sa Kamara.  Sa secret voting na isinagawa ng mga partylist, nanguna sa botohan si Romualdez at pumangalawa si Velasco, at halos walang nakuhang boto si Cayetano.

At maging ang mga kapartido ni Cayetano sa Nacionalista Party ay marami rin ang ayaw sa kanya. Ang pinagpipilian ng mga  kongresista sa hanay ng NP ay si Velasco at si Romualdez, pero siyempre hinihintay pa rin ng NP members ang magiging direktiba nina Sen. Cynthia Villar at dating Senate President Many Villar hinggil dito.

At sino ba ang makalilimot sa ginawang panggigipit ni Cayetano kay dating Vice President Jejomar Binay? Kasama ang isa pang maangas na si Senator Antonio Trillanes, parang mga ‘sanggano’ ang dalawang senador na walang awang pinagtulungan sa hearing ng Senado si Binay para lamang madiin sa mga walang batayang akusasyon.

At totoo rin bang milyon-milyong piso ang tinanggap ni Cayetano sa kanyang pork barrel para lamang i-convict si dating Chief Justice Renato Corona?

Marami talagang kagalit itong si Cayetano. Hindi lang ang pamilya ni dating Pangulong Gloria Arroyo kundi pati na rin si Davao City Mayor Sara Duterte at kapatid nitong si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte,

At hindi lang ‘yan, sinungaling din na maituturing itong si Cayetano dahil hindi naman pala totoong pinangakuan siya ni Digong na maging Speaker nang magbitiw bilang kalihim ng DFA.

Kaya nga sorry na lang, hindi itong klase ng tao ang dapat na mamuno sa Kamara.

Kapal mo, no?!

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *