Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
drugs pot session arrest

Pedicab driver huling sumisinghot ng shabu

KULONG ang isang pedicab driver matapos mahuli sa aktong nagsashabu sa loob ng aban­donadong palikuran sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Navotas Maritime Police Station P/Capt. Ferdinand Hermoso ang naarestong suspek na si Marlon Olazo, 30, ng Phase 2, Area 2, Dagat Dagatan St. Tabing Ilog NBBS.

Ayon kay Navotas Maritime Police investigator P/SSgt. Esmeraldo Absuela Jr., dakong 10:40 am,  nagpapatrolya sa NFPC compound ang mga security guard na si Mark Anthony Acuesa, 34, at Niko Milante, 29, nang makaamoy ng nasusunog na aluminum foil.

Nang tingnan ang pinang­galingan ng amoy, naaktohan ng dalawang guwar­diya ang suspek sa isang aban­do­nadong palikuran sa Bañera St., NFPC, NBBN na sumi­singhot ng shabu.

Nakompiska sa suspek ang isang nakabukas na plastic sachet at ilang drug para­phernalia.

(R. SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …