Thursday , December 26 2024
BAKAS ni Kokoy Alano
BAKAS ni Kokoy Alano

Suko na si Digong sa korupsiyon ikinakampanya na si Bongbong?

TALIWAS sa pangako ni Pres. Digong noong nangangampanya noong 2016 na susugpuin ang problema sa naglipanang bawal na droga at korupsiyon sa bansa, inamin ng Pangulo na hindi na niya ito kayang sugpuin.

‘Yan ay makalipas ang tatlong taon matapos siyang maluklok bilang pangulo, ngayon ay bigla niyang inamin na hindi niya kayang sugpuin kahit manungkulan pa siya nang 20 taon bilang pangulo ng bansa.

Ang pangunahing ahensiya ng gobyerno na talamak sa korupsiyon ay Bureau of Customs na pinagdaraanan din ng bilyong halaga ng tone-toneladang shabu na pinaniniwalaang resulta ng malawakang sabwatan sa loob at labas ng bansa na ang susi ay ang lagayan o tara sa bawat con­tainers na dumarating sa bakuran nito.

Walang nagawa ang angas ni Navy Capt. Nicanor Faeldon at talino ni  AFP Gen. Isidro Lapeña na nauna sa ngayo’y BoC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na isang mahinahon pero subok ang management skills pagdating sa trabaho.

Marami na ang sinibak ni Pres. Digong na itinalaga sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at karamihan ay mga tumulong sa kanya noong 2016 para maging pangulo, pero nang lumaon ay naghudas din sa kanya.

Nauna rito ang P50 milyong anomalya na kinasangkutan nina Associate Commissioners Al Argosino at Michael Robles ng  Bureau of Immigration hinggil sa illegal employment ng 1,316 Tsino sa kompanya ni Casino magnate Jack Lam  sa Fontana Leisure Park and Casino sa Clark, Pampanga na hanggang ngayon ay nililitis pa.

May balitang may multi-million visa racket pa rin daw sa BID at malamang na may maligwak dito sa maikling panahon. Dapat kapain ni T/A to the Commissioner Alex  Recinto  ito, para matuwa naman si bossing… ‘di ba?

Mahigit 1,000 presidential appointees ang sinibak ni Pres. Digong, pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang korupsiyon sa gobyerno. Ano pa nga ang maaasahan natin sa nalalabing tatlong taon sa puwesto ni Pres. Digong kung ganito ang kalakaran sa gobyerno natin?

May pahaging si Pres. Digong na kailangan na ng isang Marcos para mamuno sa gobyerno na tila ibig ipahiwatig na tanging Martial Law na lamang ang makalulutas sa salot na korupsiyon sa bansa natin o baka ikinakampanya na si Bongbong Marcos para sa 2022,  hindi kaya?

Abangan natin!

BAKAS
ni Kokoy Alano

About Kokoy Alano

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *