Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katawan ng ginang naputol, naligis ng 14-wheeler truck (Mister kritikal sa ospital)

NAHATI at naipit sa gu­long ng isang 14-wheeler truck, ang katawan ng isang babae nang masa­ga­saan sa Quezon Bou­levard southbound, ma­la­pit sa Central Market nitong Miyerkoles ng umaga.

Isang lalaki na pina­niniwalaang kasama ng babae ang dinala sa ospi­tal.

Ayon sa Manila Traffic Division ng Manila Police District, nakasakay ang dalawang biktima sa motorsiklo nang mahagip sila ng isang pick-up dakong 5:30 am.

Tumilapon ang ba­bae, humagis at bu­mag­sak sa direksiyon ng truck kaya tuluyang nagulu­ngan at nahati ang kata­wan malapit sa Alfredo Mendoza St., sa panu­lukan ng Quezon Boule­vard malapit sa Central Market.

Nakarehistro sa isang Julius Mendoza Tevor ang motorsiklo.

Inaalam kung ang lalaking biktima ang si­yang may-ari ng motor at kung ano ang rela­syon nila ng nasawing babae.

Hawak ng pulisya ang driver ng trak na si Rey Ann Fajardo habang mabilis na nakatakas ang pick-up na nakasalpok sa motorsiklo.

Patuloy na iniim­bes­tigahan ang insi­den­te.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …