Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun QC

Sa Quezon City… Pinaslang na media account executive wala sa drug watchlist

PINAG-AARALAN ng Quezon City Police District (QCPD) kung bubuo ng isang special task force para sa mabilisang paglutas sa pagpaslang sa isang miyembro ng National Press Club nitong 6 Hunyo 2019 sa nasabing lung­sod.

Ito ay makaraang ihayag ng pamunuan ng pulisya na posibleng bumuo ang QCPD ng Special Investigation Task Group (SITG) na tututok para maresolba ang  pagpatay kay Adam Moraleta, 56, account executive ng Daily Tribune.

Kaugnay nito, kinompirma ng QCPD na wala sa drug watchlist ng Barangay Holy Spirit ang biktima.

Ayon kay QCPD Director, P/Brig. Gen. Joselito Esquivel, maa­aring bumuo ang QCPD ng SITG na tututok at para mapabilis ang pagre­solba sa pagpaslang kay Moraleta na pinagbabaril ng riding-in-tandem malapit sa kanilang bahay sa 20-N De Leon St., Brgy. Holy Spirit, QC nitong 6 Hunyo dakong 8:15 pm.

Naunang ipinaalam ng pamilya ni Moraleta na “missing person” ang biktima nang hindi naka­uwi makaraang magpa­alam na bibili ng sigarilyo noong gabi ng Huwebes.

Pero nitong sabado, 8 Hunyo, kinilala ng anak na si Jared Keenan, na tatay niya si Adam maka­raang ipaalam ng pamu­nuan ng Barangay Holy Spirit na may binaril at pinatay noong Huwebes ng gabi sa N. De Leon St., Brgy. Holy Spirit hindi kalayuan sa bahay ng pamilya Moraleta.

Dagdag ni Esquivel, patuloy ang  imbesti­gasyon ng CIDU at ng QCPD Batasan Police Station 6 kung ano ang motibo ng krimen at sinusuri ang lahat ng anggulo.

Ayon kay Esquivel,  wala sa drug watchlist ang biktima kaya’t ina­alam ng pulisya kung may kaaway ang biktima.

Inaalam din kung  work related ang pagpatay kay Moraleta.

Samantala, kinondena ng pamunuan ng National Press Club (NPC) ang pamamaslang kay Moraleta.

Sa kanilang pahayag, sinabi nilang si Moraleta ay ika-tatlo sa mga kasapi nilang pinaslang. Una si Rubylita “Ruby” Garcia noong 2014, at Joaquin “Jun” Briones noong 2017. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …