Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kompara sa Middle East, China mas ‘maganda’ para sa OFWs — Solon

SINABI ni OFW Partylist Rep. Aniceto John Bertiz mas maganda ang China para sa mga yaya at ka­sam­bahay kaysa Middle East.

Aniya ‘more promi­sing’ ang labor market sa China para sa mga Fili­pino dahil ang mga dayu­han at mayayamang Chinese ay nanga­ngai­langan ng kasambahay.

“Working and living conditions in China overall are better compared to the Middle East,” ani Bertiz.

“The problem with the Middle East is that they still have the kafala system, which China does not have,” dagdag ni Bertiz.

Aniya, walang kafala sa China kompara sa Middle East na kaila­ngang may sponsor ang isang OFW bago maka­pagtrabaho.

“Because of kafala, many employers tend to abuse their workers, whose passports are seized,” paliwanag ni Bertiz.

Ang sistema ng kafa­la ay umiral sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Kuwait, Bahrain, Iraq, Jordan, Lebanon, at Oman.

Dahil sa kafala, maraming employers sa Middle East ang hindi sumusunod sa $400 minimum na sahod kada buwan na itinalaga ng Philippine Overseas Employment Adminis­tration para sa mga Filipino domestic staff sa ibang bansa.

“In Saudi Arabia, for instance, there are employers who still pay their Filipino household service workers only $200 monthly,” ani Bertiz.

Ayon kay Bertiz mas maganda ang oportu­nidad ngayon sa China na may 600,000 dayuhang nakatira at nagtatrabaho maliban sa mga middle class na Chinese na gus­tong matuto ang mga anak magsalita ng Ingles.

Sa kasalukuyan, ha­los, 200,000 na ang mga OFW sa China.

 (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …