Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
CONTRACT TERMINATED red Rubber Stamp over a white background.

Batas laban sa ENDO mabibigo — Solon

MABIBIGO ang bagong batas laban sa ENDO para puksain ito ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin.

Ayon kay Villarin, ang Security of Tenure law ay depektibo sa kadahilanang pinapayagan ng batas ang “employment agency” na kumuha ng mga empleyado at walang nakasaad sa batas patungkol sa “fixed term employment.”

“The bicam committee supposed to craft the reconciled version of the House and Senate bills was illegally terminated without due notice and just cause. The new law against endo will not end endo,” ani Villarin.

Aniya, ang Bicameral Conference Committee ay dapat mag-usap noong 29 Mayo pero biglang nagde­sisyon ang liderato ng Kamara na itigil ito at su­mang­ayon na lamang sa bersiyon ng Senado sa Senate Bill 1826 na akda ni Sen Joel Villanueva.

“This is subversion of the legislative process, highly irregular and deceitful to workers who lobbied hard for the passage of an acceptable law. Instead, they got the raw end of the deal,” ani Villarin, ang princi­pal awtor ng House bill na katangap-tangap sa mga manggagawa.

Ang bersiyon ng Senado aniya, ay hindi makakatugon sa ENDO at “fixed-term employment” dahil pumapayag ito sa manpower agencies bilang mga lehitimong trabaho.

Wala rin, aniya, itong sinasabi patunggol sa “fixed-term employment.”

Imbes ipagbawal ang “labor only contracting,” binigyan ang Industrial Tripartite Councils ng paraan para palawakin ang mga trabaho na maaaring kontra­tahin. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …