Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald, pantasya ni Anton Diva

SI Gerald Anderson ang male celebrity na crush o pinapantasya ni Anton Diva.

Alam mo super-crush ko si Gerald Anderson!”

Magkakilala ba sila ng personal?

Magka-ano lang, ka-hi lang, ka-ganoon.”

Hindi alam ni Gerald na crush ito ni Anton.

Sana makarating, iparating n’yo naman!”

May concert si Anton, ang Anton Diva: SHINE XXII AD na gaganapin sa June 15 sa Cuneta Astrodome.

Guests ni Anton sa concert niya si Vice Ganda at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Paano kaya kung maging surprise guest si Gerald sa concert niya?

Sana Gerald, makanood ka!

“Kasi ano eh, ‘di ba si Gerald at saka si Bea [Alonzo], tapos si Bea kasi, may make-up artist siya na super-close friend ko rin, si Varda, so ayun, dugtong-dugtong din naman ‘yun, so sana makarating.”

Ano ang nagustuhan niya kay Gerald?

Unang-una maganda ang katawan, maganda ang mukha, ang ganda ng ugali.

“Hindi pa kami close, sabi maganda ang ugali and siyempre, sa tingin ko, marunong naman akong tumantiya, feeling ko he has a very, very good heart.

“And ‘di ba half-American, half-Filipino siya?”

Usap-usapan, base sa mga nakarating kay Anton, ay “well-endowed” o daks si Gerald.

Magkaibigan sina Anton at Vice kaya natanong si Anton kung nakilala na niya si Ion Perez na rumoured boyfriend ni Vice.

Na-meet ko si Ion noong Valentine concert, he was there backstage.”

Ang concert nina Vice at Regine, na The Songbird and the Songhorse noong February ang tinutukoy ni Anton.

Sinabi ba ni Vice na boyfriend niya si Ion?

Hindi ko talaga alam na there’s something special, na ‘yung sila na that time.”

So ngayon ba ay official na ang relasyon ng dalawa?

Ayokong magsalita!”

Walang sinasabi sa kanya si Vice kung karelasyon na nga si Ion o hindi.

Basta masaya siya, masaya siya. Kahit ‘yung mga close friend namin, ‘yung mga palaging nakakasama niya, masaya si Vice.

“Masaya siya sa kung anong mayroong lovelife ba siya ngayon.”

Sa tingin ba niya ay seryoso na sina Vice at Ion?

Sana naman seryoso na ito talaga. Kasi deserve niyang magkaroon ng somebody na puwede niyang, alam mo ‘yun? ‘Yung ipagmalaki, ipakilala sa lahat, na wala siyang itinatago.

“Kung anong mayroo sila, let’s just be happy for them,” sinabi pa ni Anton.

Samantala, ang direktor ng Anton Diva: SHINE XXII AD ay si Peter Serrano at produced ito ng Teri Onor Entertainment ServicesTOES.

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …