Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, na-wow mali! sa campaign sortie ni Junjun

IBANG klase talagang makipagkaibigan si Kris Aquino. Pinatunayan niya ito nang magtungo sa campaign sortie ng sinusuportahan niyang kumakandidatong kapatid ni Anne Binay, si Junjun, bilang mayor ng Makati kasama ang vice mayor nitong si Monsour del Rosario.

Bagamat hindi ligtas kay Kris ang magpunta sa mga lugar na puwedeng makapag-trigger ng kanyang sakit, hindi niya iyon ininda para maipakita ang suporta kay Anne na ipinagdiriwang din ang kaarawan noong Lunes.

Karay-karay ni Kris sa campaign sortie ang bunsong anak na si Bimby gayundin si Erik Santos bilang regalo sa mga Binay. Nagbigay ng ilang awitin si Erik para makadagdag-saya sa mga taga-Barangay Rizal, Makati.

Gabi na nang dumating ang grupo ni Kris dahil nanggaling pa sila sa kampanya nina Bam Aquino at Chel Diokno sa Laguna pero tila nabuhayan ang mga taga-Makati na matyagang naghintay sa kanya.

Kuwento nga ni Kris, na-wow-mali sila ng pupuntahang campaign sortie. Una kasi nilang napuntahan iyong kay Abby Binay na kasabay din ang sortie malapit din lang sa street na pinagdarausan ng kampanya ng kina Junjun at Nancy. Doon din kasi sila dinala ni Waze.

Anyway, muntik na nga siyang makababa nang mapansin niya ang sasakyan ni Abby. Kaya naman ipinagtanong nila sa barangay kung iyon ba ang sortie ni Junjun. “Mabuti na lang mababait ang mga taga-Makati at sinabi nilang hindi iyon sortie ni Junjun kundi kay Abby,” natatawang kuwento ni Kris.

Hagalpakan ng tawa ang mga nanonood at may narinig pa kaming komento mula sa audience na parang nasa Kris TV lang sila sa masasayang kuwento ni Kris. O ‘di ba bongga.

Pagmamalaki naman ng isang lola, “kayo nakita n’yo lang si Kris, ako nahalikan at nakamayan ko pa.”

O ha! Iba pa rin talaga ang dating ng isang Kris Aquino!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …