Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Edwin Olivarez Jun Bernabe Parañaque
Edwin Olivarez Jun Bernabe Parañaque

Bernabe nanguna sa 3 local surveys

NANGUNGUNA sa tatlong magkakahiwalay na online poll survey  sa pamamagitan ng social media ang dating alkalde ng Parañaque City.

Lumalabas sa resul­tang  isinagawang survey ng  Election Watch PH 2019, The Leader I Want at Filipino Online Poll sa pamamagitan ng Face­book, nanguna si da­ting Parañaque City Mayor Florencio “Jun” Bernabe, na tumatak­bong alkalde sa nabanggit na lungsod ngayong nalala­pit na halalan sa 13 Mayo.

Katunggali ni Bernabe sa pagka-alkalde si incum­bent Mayor Edwin Oli­varez.

Ayon sa kampo ni Bernabe, nagkamit ng 4,000 boto, na malaki ang lamang sa kanyang katunggali.

Ang nasabing on­line poll survey ay isinagawa mula 27 Marso hanggang 18 Abril 2019.

Ayon sa Election Watch PH 2019, nagsimula ang survey noong 19 Oktubre 2018 at natapos noong nakaraang Mar­so, na nagkamit ng 61% boto si Bernabe, samantala si Olivarez ay nagkamit ng 39% boto.

Sa Leader I Want na isinagawa noong Enero 2019, nanguna pa rin  si Bernabe. Ang resultang ito aniya ay batay sa mahigit 11,100 boto mula sa netizens.

“Muli akong nagba­balik sa serbisyo publiko dahil sa mga hinaing ng aking kapwa Parañaqueño. Gusto ko silang tulungan at bigyan ng serbisyong nararapat sa kanila. Bukod dito ay ipagpapatuloy ko rin ang aking naumpisahan para sa Parañaque,” ani Bernabe. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …