Wednesday , December 25 2024

Pagsasarara ng Marcos Bridge nabinbin — MMDA

HINDI matutuloy ang planong pagpapasara at pagsasaayos ng bahagi ng Marcos Bridge na nasa pagitan ng Marikina City at Pasig City na unang iniskedyul sa Sabado, 4 Mayo, 11:00 pm.

Ipinagpaliban ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa loob nang isang linggo ang plano na sisimulan ang pagpa­pasara ng eastbound portion ng tulay sa 11 Mayo, isang linggo ang pagitan sa orihinal na iskedyul.

Nagpasya ang MMDA na i-delay ang road closure kasunod ng coordination meeting kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH), pribadong contractor, at SM Marikina ngayong araw.

Sa isinagawang ins­pek­siyon ng MMDA, nadiskubre na hindi pa handa ang pribadong contractor para simulan ang Marcos Bridge Reha­bili­ta­tion Project na maka­aapekto sa mga motorista at pasahero sa silangang bahagi ng Metro Manila.

Magbubukas ang pribadong contractor ng intersection para sa trucks na dumaraan sa lugar; maglalagay ng traffic signal para sa mga truck mula sa Libis at papun­tang Katipunan sa Que­zon City; magbubukas ng slot sa median island para sa mga magmumumula sa Cubao pa-Antipolo at maglalagay ng signages na magpapaalam ng proyekto sa publiko.

Isang linggong palu­git ang ibinigay ng MMDA sa contractor para makompleto ang mga kinakailangang pagha­handa upang maiwasan ang posibleng maging epekto sa trapiko.

Una nang sinabi ng MMDA, ang pagsasara ng tulay ay magtatagal nang apat hanggang limang buwan.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *