“SOBRANG nakaka-pressure, kasi especially ‘yung last delegate na ipinadala ni Boss Wilbert sa Mr. Gay World which is John Raspado, is siya ‘yung nag-title.
“Tapos as you all know, most of the people expect too much from the Philippines kasi we are now, isa sa mga powerhouse pagdating sa pageantry, so ang laking pressure para sa akin, kasi they expect too much from me!”
Ito ang pag-amin ni Janjep Carlos, reigning Mr. Fahrenheit at Mr. Gay World Philippines 2019, na may pressure sa kanya bilang representative ng Pilipinas sa Mr. Gay World 2019 sa May 4 na gaganapin sa Cape Town, South Africa.
Nakausap si Janjep ng member ng media sa ipinatawag na presscon/send-off para sa kanya ng National Director ng Mr. Gay-World Philippines na si Wilbert Tolentino. Si Wilbert ang pinakaunang nagwaging Mr. Gay World-Philippines noong 2009.
Si Wilbert din ang may-ari ng One 690 Entertainment Bar (na ginanap ang presscon/send-off para kay Janjep) at Apollo KTV and Bar. Si Wilbert din ang sana ay manager ng Thai internet personality na si Mader Sitang nguni’t nauwi sa falling-out na muntik pa ngang humantong sa demandahan.
Sa ngayon ay nasa ikalawang puwesto si Janjep (nangunguna si Mr. Hungary) para sa Social Media Award ng Mr. World.
Advocacy ni Janjep ang tungkol sa mental health na may hashtag na #IllnessTo Wellness.
“Actually right now I am partnering with Mental Health PH. Isa siyang organization na promotes awareness about mental health thru social media.
“So sa tingin ko magandang platform siya para sa akin para mai-push ko ‘yung advocacy ko to spread awareness, especially about depression, kasi it’s very timely and relevant especially with the LGBT community.”
Nagkataon pa na bago pa siya manalong Mr. Gay World-Philippines ay nakabisita si Janjep sa Cape Mental Health sa South Africa na isang mental rehabilitation facility para sa mahihirap na komunidad doon.
“I had the chance to visit Mental Health Cape Town para makita ko ‘yung situation nila. Nakai-inspire kasi ‘pag nakita n’yo ‘yung mga taong nagdadaan sa depression, nakaka-touch, mas mapu-push mo ‘yung advocacy mo.”
Openly gay, naranasan na rin naman ni Janjep na may babaeng nagkakagusto sa kanya.
“There were cases na may mga babaeng very vocal sa nararamdaman nila sa akin, sinasabi nila. But eversince naman, hindi ako nagtago kung ano ‘yung tunay kong pagkatao.
“So sinasabi lang nila but they know na gay ako so I don’t have to explain myself.”
Forty one years old na si Janjep at may gay partner siya, pitong taon na ang relasyon nila at pareho silang gym-fit at mahilig mag-travel.
Ano ang atake o gameplan ni Janjep para sa Mr. Gay World? Ano ang kakaibang gagawin niya para hindi siya maikompara kay John Raspado na pinakaunang Pinoy at Asian na nanalong Mr. Gay World noong 2017?
“Parang iyon ang magandang traits nating mga Filipino pagdating sa pageantry. We always surprise them with our biggest ideas like what Catriona did.
“I won’t compare myself to John Raspado, siguro parang gagawin ko na lang inspiration ‘yung ginawa ni Catriona. Parang from day one, palaban na siya,” pagtukoy ni Janjep kay Miss Universe 2019 Catriona Gray ng Pilipinas.
“So iyon ang plans ko pagdating sa South Africa, ready agad, I will surprise them with my ideas like what Catriona did.
“From what she wears, from the way she speak, and everything.
“Planado lahat. Ganoon po ‘yung ginagawa namin with the help of my mentor and our National Director Boss Wilbert and KF, Kagandahang Flores camp.
“Talagang hinahanda nila ako para sa Mr. Gay World 2019.”
RATED R
ni Rommel Gonzales