Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Herbert Bautista
Kris Aquino Herbert Bautista

Mayor Herbert, nag-iwan ng tatak sa puso ni Kris

LANTARANG sinagot ni Kris Aquino sa kanyang Facebook account ang pagtatanong at pag-uusisa ng isang netizen kaugnay ng kanyang relasyon sa isang politiko.

Patanong na post ng netizen sa FB ni Kris, “do you still love Mayor? Bahala ka na kung sinong mayor ang unang pumasok sa isip mo.”

Tugon naman ni Kris, na binanggit niya pa ang pangalan ng mayor, “Isang mayor lang naman ang nag-iwan ng tatak sa puso ko. I never give safe answers. So here goes- mayor herbert falls in the category of LOVING THE IDEA OF ALL THAT COULD HAVE BEEN. Honestly kung nagkatuluyan, sigurado ako HIWALAY na by now. He is too set in his ways, as i am in mine… and between the 2 of us, sa sobrang excess baggage- the airplane could never have taken off.”

Matatandaang muntik nang ikinasal sina Kris at Mayor Herbert Bautista noon.

Ang KrisTek (Kris at Bistek – palayaw ni Mayor Herbert) fans at shippers naman ay kilig na kilig sa mga pahayag ni Kris.

May nag-post pa sa social media ng quotes nina Kris at Mayor Herbert. Ayon sa post, “‘Isang mayor lang naman ang nag-iwan ng tatak sa puso ko.’ – kris 

“‘Siya (kris) ang nagbigay ng kulay sa buhay ko.’ – HB

“EDI KAYO NAAAAA ENG HAROOOOT  HAHAHAHAHAHHHHHAHAHAH  LOVEYOUUUUUBOTH”

Marami talagang fans ni Kris ang boto pa rin kay Mayor Herbert at patuloy na wini-wish na sana pagdating ng panahon ay ang dalawa pa rin ang magkatuluyan.

Kahit pa nga si Kris na ang nagsabi mismo na, “Honestly kung nagkatuluyan, sigurado ako HIWALAY na by now,” mayroon pa ring mga nananalig at naniniwala na maglalayag pa rin ang ship at lilipad pa rin ang airplane kapag ligtas at maaliwalas na ang panahon.

PABONGGAHAN
ni Glen Sibonga

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …