Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LausGroup founder 2 pa, patay sa bumagsak na chopper

NAMATAY ang chairman at founder ng LausGroup of Company nang bumagsak ang pribadong helicopter na kanilang sinasakyan sa isang fishpond sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan kahapon, Huwebes ng tanghali.

Kinompirma ni Bula­can Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado, isa si Liberato “Levy” Laus sa tatlong binawian ng buhay mata­pos bumagsak sa Bara­ngay Anilao ang helicopter na may body marking na RP C8098.

Namatay din ang piloto ng helicopter at patuloy pa rin ang pagsi­siyasat ng mga awtoridad upang malaman ang pagkakakilanlan ng iba pang pasahero.

Chairman Emeritus si Laus, 68-anyos ng Pam­panga Chamber of Com­merce and Industry at isa sa mga organizer ng Save San Fernando Movement na nagtulak upang matuloy ang konstruk­siyon ng FVR Megadike sa gitna ng mga planong ilikas ang mga Kapampa­ngan mula sa Pampanga patungong Palawan.

Ayon kay P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director, hindi pa nila alam kung saan galing ang helicopter at kung saan ang destina­syon nito.

ni MICKA BAUTISTA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …