PASOK sa ika-9 at isa-11 sina Lito Lapid at Ramon Bong Revilla Jr., sa non-commissioned senatorial survey na pinangunahan ni Carl Balita kasama ang ilan sa mga iginagalang sa academya.
Isinagawa ang survey sa 17 rehiyon, 92 syudad, at 206 munisipalidad.
Ayon kay Balita sa isinagawang Pandesal Forum ni Wilson Flores sa kanyang Kamuning Bakery, purely academic, non-commissioned, non-sponsored, non-revenue earning, not politically motivated, non-partisan, objective, research-based, at statistically valid ang isinagawa nilang survey.
Bukod kina Lapid at Revilla, pasok din sa survey at nanguna si Grace Poe, na sinundan ni Ronaldo ‘Bato’ Dela Rosa, ikatlo si Pia Cayetano, ikaapat naman si Sonny Angara, na sinundan ni Bong Go, Nancy Binay, Cynthia Villar, at Bam Aquino.
Nakuha ni Imee Marcos ang ika-10 puwesto at ika-12 naman si Willy Ong.
Nanguna naman sa Respondents Awareness si Cayetano at sa Probable Preference naman ay si Binay.
Ani Balita, puwede pang magbago ang survey habang nalalapit ang eleksiyon.
Kasama ni Balita na isa ring educator, entrepreneur, radio personality sa pag-aayos ng survey sina Rose Fuentes, PhD; Sandy Montano, PhD, RN; Atty. Arnel Mateo; Mon Abrea, CPA, MBA; Marcon Valderama, MA (Statistics and Mathematics); Virlyn Francisco, MA (History), MAEd (History); Paul Francisco, MPA; at Pacifico Maghacot, MS (Social Psychology).
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio