Monday , December 23 2024

Palasyo sa 5 US senators: ‘Wag n’yo kami pakialaman

MIND your own business.

Ito ang buwelta ng Malacañang sa limang Amerikanong senador na nanawagan na palayain si Sen. Leila de Lima at iba­sura ang kaso laban kay Rappler chief executive officer Maria Ressa pati na ang pagsusulong na im­bes­tigahan ng inter­national community ang extrajudicial killings sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may sapat na suli­ranin ang Amerika na dapat pagtuunan ng pansin ng mga senador kaysa makialam sa mga usapin sa Filipinas.

“The five US senators who called for the release of Senator Leila de Lima and the dropping of charges against Rappler and Ms. Maria Ressa should mind their own business — their country has enough problems and they should focus on them,” ani Panelo.

Sinabi ni Panelo, tahasang panghihimasok na sa pamamalakad ng katarungan ng bansa ang ipinasang resolusyon nina US senators Edward Markey, Marco Rubio, Richard Durbin, Marsha Blackburn at Chris Coons.

“Their resolution is an unwelcome intrusion to the country’s domestic legal processes and an outrageous interference with our nation’s sove­reignty as the subject cases are now being heard by our local courts. No government official of any foreign country has the authority or right to dictate on how we address the commission of crimes,” ani Panelo.

Iginiit ni Panelo na nakakalimutan ng limang senador na ang Filipinas ay malayang bansa at hindi na kolonya ng Ame­rika.

Nagpapagamit lang aniya ang limang senador sa mga grupong nais ibagsak si Pangulong Rodrigo Duterte.

Niliwanag ni Panelo ang pagkakakulong ni De Lima ay may kaugnayan sa pagkakasangkot  sa operasyon ng ilegal na droga samantala ang kaso naman ni Ressa ay may kaugnayan sa paglabag sa tax evasion law at anti dummy law.

Iginiit ni Panelo, ang ukol naman sa isyu ng umano’y EJKs ay may kaugnayan sa drug war ng pamahalaan at hindi kinokonsinti ng gobyerno ang pagpatay nang walang dahilan.

Karamihan aniya sa mga napatay sa drug war ay pawang lumaban sa lehitimong police opera­tions.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *