Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
The National Food Authority (NFA) rice warehouse photohographed in Quezon City, the Philippines, on Wedensday,march 9, 2011. Photographer: Edwin Tuyay/Bloomberg News

Sa Rice Tariffication Law… Walang dapat mawalan ng trabaho sa NFA

INILINAW ni Senate Committee on Agriculture and reelectionist senator Cynthia Villar, walang dahilan  upang mawalan ng trabaho o magtanggal ng ilang empleyeado ang National Food Authority (NFA) sa pag­papatupad ng Rice Tariffication Law.

Ayon kay Villar, hindi nabawasan o tinapyasan ang panukalang budget ng NFA sa naaprobahang 2019 General Appro­priations Act (GAA) nang sa ganoon ay maipagpatuloy ng ahensiya ang iba pa nilang trabaho at mapasuweldo nang tama at sapat ang lahat ng kanilang mga kawani.

Iginiit ni Villar, tanging nawala o nabawas sa trabaho ng NFA ang pag-aangakat ng bigas mula sa ibang bansa.

Ngunit sinabi ni Villar na mayroong P10 bilyong pondo ang NFA para makagawa ng kanilang alternatibong gawain ito ang pagbili ng mga palay ng mga magsasaka para makabili pa rin ng murang bigas ang mga mamamayan.

Sinabi ni Villar, kung talagang gagawin ng NFA ang kanilang tungkulin sa kasalukuyan ay muling makabibili ng mga murang bigas sa merkado ang mga mamamayan gaya ng nabibiling bigas dati na imported rice.

Sa kasalukuyan, bumaba nang halos P5 ang presyo ng commercial rice sa merkado kompara sa mga nakalipas  na buwan.

Binigyang-diin ni Villar na hindi puwedeng isantabi ang rice tariffication law dahil kung hindi ito naging batas ay tiyak magmumulta ang Filipinas lalo na’t pumasok sa kasunduan sa ibang mga bansa. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …