Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janine, naaksidente

NASANGKOT sa isang minor accident ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez bago mag-alas dos ng umaga noong Lunes, April 1, sa bandang Ortigas Avenue.

Papunta si Janine sa taping ng GMA fantaserye, Dragon Lady na siya ang bida, nang mabangga ng isang fire truck ang Dodge Durango niya na minamaneho ng kanyang driver; nasa passenger seat sa likod ng sasakyan si Janine.

Mabuti na lamang at  hindi naman nasaktan o nagalusan ang aktres at ang kanyang driver.

Hindi naman, medyo ano lang, naalog,” pahayag ng dalaga.

Iyon nga lang sira ang bumper, tire rod, at ilan pang parts ng unahang bahagi ng sasakyan ni Janine.

Wala ring nasaktan sa mga sakay ng bumbero.

Kinailangang i-tow at dalhin sa talyer ang sasakyan ni Janine dahil hindi ito puwedeng imaneho.

At kahit nanginginig pa ay dumiretso pa rin si Janine sa set ng Dragon Lady. 

Ironically, sa isang eksenang kinunan sa taping ay isang kaparehong firetruck na nakabangga sa sasakyan ni Janine ang nasa set at may mahalagang papel sa eksena.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …