Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nancy Binay: Total ban dapat igiit vs Chinese construction workers

PROTEKTAHAN  ang kapakanan ng mangga­gawang Filipino.

Ito ang giit ni reelec­tionist Senator Nancy Binay sa panawagan ni­yang “total ban” sa pag­pag­pasok ng mga traba­hanteng Tsino o Chinese construction workers, pati na rin ang ibang lahi, partikular sa infras­truc­ture projects ng gobyer­no.

Ayon kay Binay, hin­di patas at dis­advan­tageous sa mga mangga­gawang Filipino ang polisiya at kasunduan na nakatali sa utang natin sa China na ginagawang requirement ang pagka­karoon ng Chinese workers.

Dagdag ni Sen Binay, ‘di katanggap-tanggap ang dahilan ng Palasyo na kailangan ng Mandarin-speaking Chinese laborers dahil puro Chinese cha­racters ang nakasulat sa mga equipment.

At kung nasa sali­tang Chinese o Japanese man ang mga pinaaandar na makina’t equipment, sapat na ang isang inter­preter para punan ang communication gap.

Sinabi rin ni Binay, pangako ng adminis­trasyon ang pagbibigay ng trabaho sa mga Filipino mula sa flagship program na Build, Build, Build.

Hindi umano matu­tu­pad ang pangakong ito kung magkakaroon ng pagkiling sa dayuhang manggagawa dahil sa mga kondisyon na naka­lakip sa mga official development assistance (ODA) loans.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …