Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tonz Are, pinuri ni Gina Pareño

SUNOD-SUNOD ang pagkilala sa galing ni Tonz Are kaya hindi nakapagtataka na gayon na lamang ang kanyang kasiyahan nang makipagtsikahan ito sa amin kamakailan.

Itinanghal siyang Best Supporting Actor sa katatapos na Singkuwento International Film Festival para sa pelikulang Rendezvous. Bale nakapitong acting award na si Tonz na ginampanan ang karakter ni Balud, isang merman na na-in love sa taga-lupa sa pelikula.

“I’m so blessed sa career ko. Nagpapasalamat ako sa mga director ko na nagtitiwala sa akin, sa Knight Vision family ko, kay direk Marvin Gabas, Mommy Arlene Rivera, direk Carlo Alvarez… blessings sila sa akin and sa pagkapanalo ko sa Singkuwento International Film Festival noong February, sobrang laki po ng aking pasasalamat sa pelikulang ‘Rendezvous,’ ni Direk Marvin,” kuwento ni Tonz.

“Nagpapasalamat din po ako sa bumubuo nito, nanalo ako bilang Supporting Actor at Best Supporting Actress naman ang aking nanay-nanayan sa showbiz na si mommy Gina Pareño na isa rin sa pinakamahusay na actress dito sa Filipinas.”

Bukod dito, matagumpay din ang red carpet premiere ng bago niyang pelikulang Parisukat.

“Nagpapasalamat ako sa sup­port ng aking pamilya, successful ang aming movie na ‘Parisukat’ na idinirehe ni Carlo Alvarez,” ani Tonz na ginanap ang premiere noong March 23 sa Gateway Cineplex.

Dagdag pa ni Tonz, napapanood pa rin siya sa 700 Club Asia sa GMA,  Mondays to Fridays, 12 midnight.

“Sana soon, mapasama rin ako sa mga teleserye ng ABS-CBN o GMA-7. Iyon po kasi talaga ang pangarap ko,” giit pa ni Tonz.

Hindi lang ang ilang award giving body ang nakakapansin sa galing ni Tonz, maging si Pareno ay mangha sa galing niya.

“Sobrang na-touch ako sa papuri ni Mommy Gina, isang karangalan na mapansin ng batikang actress ang aking pag-arte at napakasarap po talagang katrabaho, napaka-professional and down to earth, napaka-cool din pati ng anak niyang nag-aartista na rin, si Ate Racquel, saludo ako sa mag-ina,” ani Tonz.

Ibinahagi rin ni Tonz na matagumpay din ang ginawang screening ng kanilang pelikula sa Mindanao, Midsayap,  Cotabato, Koronadal City, at General Santos. “Almost 12,000 po ang nakapanood ng film namin noong nakaraang March 4 to 18,” anang indie actor.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …