ANO ang nararamdaman ni Rita Daniela sa biglang pag-boom ng career niya dahil sa My Special Tatay?
“Siyempre po ang sarap sa pakiramdam po. Kasi ngayon ko po naintindihan, ‘Ah eto pala ‘yung pakiramdam, na ito pala ‘yung feeling na ang tingin sa iyo ay kumbaga, important ka, special ka.
“Na binibigyan ka ng oras ng mga tao.
“Ang sarap pala sa feeling ng ganoon. Siyempre ako po ‘di ba matagal na panahon po ako na kaibigan lang ni ganito, chuwariwariwap (support at palamuti na role), so I know exactly, like I can distinguish the feeling.
“You know the stages of ‘yung each character that I portray and when Aubrey happened to my life, everything changed!”
Paano binago ni Aubrey ang buhay ni Rita?
“Well of course, mas nakaipon po ako!
“Mas nakaiipon po ako, marami po kasing opportunities po ‘yung pumapasok.
“At saka rati alam mo ‘yung hayok na hayok akong magtrabaho, tapos ngayon parang kung kaya mo lang pagkasyahin sa isang araw…hindi eh.”
Kung dati ay trabaho ang hinahanap ni Rita, ngayon ay pahinga naman ang kailangan niya.
“Opo, pahinga na po.
“Tapos, siyempre po mas lumawak ‘yung… iyon naman ‘yung dasal ko eh, yung mag-reach out ako sa mas marami pang tao. Especially sa millennials.
“Kaya rin in a way thankful ako kasi ‘yung age bracket din ni Aubrey ‘di ba, I think she’s like mga 20-24 pataas siya, eh. Just like my age.
“And maraming ganoon, na ganoong edad, ‘di ba napapariwara ‘yung buhay?”
Sa simula ng kuwento ng My Special Tatay ay isang bayarang babae o “pokpok” ang papel ni Rita bilang Aubrey.
“So happy ako, thankful ako kasi kahit na ito ‘yung trabaho ko as Aubrey nama-manage ko siya, like outside showbiz, I can reach out to people and share the word of God.
“That’s why I’m really, really happy!”
Bilang Christian ay active member si Rita ng Favor Church na nagmula sa Australia ang founder.
May ibinahagi pa si Rita na pagkakaiba ng buhay niya ngayon bilang artista.
“Rati nakakasama ko sa show sina Bea Binene, si Barbie (Forteza), nakikita ko sila from afar na binibisita sila ng fans nila, nireregaluhan sila ng fans nila, sabi ko, ‘That’s so sweet!’
Na noon ay hindi nararanasan ni Rita, pero ngayon ay laging tila may fan’s day sa set nila ng My Special Tatay!
“’Yung feeling na ganoon, nagugulat na lang ako, isu-surprise ako ng fans ko, andami nila, andaming pagkain, mga regalo. Grabe!
“My gosh, ngayon lang ako naka-experience na may fans, first they gave me an iPad Mini!
“Tapos they started giving me signature bags, and signature shoes!
“And ito yung pinaka-wild sa lahat, my gosh! They gave me my own mic!
“I have my own mic na!”
Mamahaling Sennheiser microphone na kulay silver ang iniregalo kay Rita ng mga tagahanga niya.
“Actually itong phone ko pala regalo rin ito sa akin!
“Kaya sabi ko, ganoon pala, iyon ang perks of being an artista,” sinabi pa ni Rita.
At dahil sa tagumpay na tinatamasa ng tambalang BoBrey nina Rita (as Aubrey) at Ken Chan (as Boyet), magkakaroon ng concert ang dalawang Kapuso stars na mga bida sa nabanggit na drama series ng GMA.
May pamagat na My Special Love #BoBreyinCONCERT, gaganapin ito sa May 11, 8:00 p.m. sa Music Museum, Greenhills.
Kung may nais si Rita na maging guest sa concert nila, sino iyon?
“Si Jolina Magdangal. Idol ko ‘yun!
“Bata pa lang ako siya na idol ko.”
Hindi pa alam nina Rita at Ken kung sino ang mga magiging guests nila sa concert.
Rated R
ni Rommel Gonzales