Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Faye Tangonan, iniwan ang Hawaii para harapin ang acting career

HINDI na bago ang May-December affair thing na tinatalakay sa isang pelikula. Pero may nais patunayan ang direktor ng Bakit Nasa Huli Ang Simula, isang suspense-action-drama, na si Direk Romm Burlat. Tampok sa kanyang pelikula sina Jay-R Ramos at Faye Tangonan, Ms. Universe-International 2018.

Ginagampanan ni Tangonan ang karakter ni Evelyn na may simpleng pangarap. Ang isang masayang pamilya. Subalit nawala iyon dahil sa isang pangyayari.

Ang four-time Best Actor na si Jay-R naman ay ginagampanan ang isang mentally-deranged man na naging biktima ng pagkakataon.

Bale ito ang kauna-unahang pagsubok ni Faye sa pag-arte na aniya’y nais niyang subukan dahil, “I wanna explore. I have joined many beauty pageants, this time I am entering new job as an actress. I trust my director naman, direk Romm.”

Dream ni Faye na makapag-showbiz. ‘Ika nga niya noon sa isang interbyu, dream niyang makaarte.

It would be a great honor if I would be offered any kind of role. Perhaps being an endorser is great too. Let’s see what the future holds for me. I’m just so grateful to everything that God has blessed me with right now. I honor and glorify Him!”

Kaya naman hindi naitago ni Faye ang excitement nang gawin nila ang pelikula na sobra siyang na-challenge.

Hindi rin alin­tana ni Faye na iwan muna sandali ang Hawaii, na roon siya nakabase para subukan ang kapalaran sa pag-arte na inaasahan niyang magbubukas ng maraming pintuan sa kanya.

Bagamat mabigat ang tema ng Bakit Nasa Huli ang Simula, hindi nagdalawang-isip si Faye na gawin ito dahil hindi nalalayo ang mensahe ng pelikula sa kanyang advocacy.

Hindi rin ito magkakaroon ny conflict sa pagiging Ms. Universe International ko dahil related sa aking advocacy ang mensahe nito, ang human trafficking na may aral na makukuha sa end ng story o pelikula,” paglilinaw pa ni Faye na kasama rin sa pelikulang ito sina Lance Raymundo at Lester Paul.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …