Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Edu, sinugod ng mga lola, tantanan si Cardo

FACES come and go! Sa isang teleserye, isang napakahirap na sitwasyon ‘yung kakailanganin na ng karakter o role mo ang magpaalam.

Sari-sari naman ang mga dahilan. At sa panahon ngayon, karamihan sa mga “mawawala” at nawala na sa isang serye na gaya ng FPJ’s Ang Probinsyano ay sina Lito Lapid at Roderick Paulate na tumatakbo  ngayon sa politika.

Ang hindi pa nawawala sa landas ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin ay si Lucas Cabrera na ginagampanan naman ni Edu Manzano na muling papasok sa politika.

Ayon sa aktor, “Hindi pa man dumarating ‘yung kung anumang magaganap kay Lucas Cabrera sa takbo ng istorya, nagkakaroon na ako ng sepanx (separation anxiety). You know, ‘Larpi, to be part of such a happy set eh, hindi mo makalilimutan. 

“Noong nagsimula na ako umikot in San Juan (na tumatakbo siya bilang kongresista), I make it a point na sa schedule ko ng taping, na nasa malayong location, I am rested so I can still give pa rin the energy and what is expected of me in my character.

“I have endeared myself kay Lucas. When I get around the different places in San Juan, si Cabrera ang agad sinasalubong ng mga lola, nanay, ate para sabihin na tantanan ko na si Cardo. Kaya I will leave the show na may bigat sa puso.

“There were a lot of times where I wanted to quit showbiz. I remembered stopping from doing movies and teleseryes for a while and just focusing on hosting instead. ‘Di ko in-expect na si President Lucas Cabrera would be a memorable character and I’m very blessed to have been chosen for the role. I will surely miss the fun vibes on the set. It made me fall in love with acting once again, but now it’s time to move forward and do things that have greater impact to real people-the San Juañenos.”

One tough act to follow!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …