Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, happy kay Maine: Kuntento po ako ngayon

O NE step at a time. Let’s see poIto ang naging tugon ni Arjo Atayde nang kulitin ng entertainment press kung ihahayag ba niya sakaling maging girlfriend na niya si Maine Mendoza.

Aminado naman ang bida ng Bagman, bagong handog ngDreamscape Digital para sa iWant at mapapanood simula March 20, na masaya siya at kontento nang aminin din ni Maine ang ukol sa kanilang dating status sa isang blog post nito.

Hindi na rin sila nagpapa-apekto sa mga basher. Giit ng actor, “We are both really happy. I am. I don’t want to speak for her. I am very happy. I think that’s what matters now. With my career, ABS is taking care of me. My personal life is good. My family is fine. I am very happy. Kuntento po ako ngayon.”

Samantala, bibida sa socio-political action drama series si Arjo, isang ordinary ngunit madiskarteng barbero na kumakayod para sa pamilya. Dahil sa road-widening project ng munisipyo, nanganganib na ma-demolish ang sarili niyang barbershop na siyang pinagkukunan niya ng pang-araw-araw na kita.

Dahil buntis ang asawa, papayag si Benjo na gawin ang isang maliit na misyon para masalba ang kanyang barbershop. Para kumita ng karagdagang pera, papayag siyang maging bagsakan ang barbershop ng mga kahina-hinalang transaksyong maaaring magpahamak sa buhay niya.

Ipinrodus ng Dreamscape Digital at Rein Entertainment ang  Bagman, na kasama rin sina Alan Paule, Yayo Aguila, Chanel Latorre, at Raymond Bagatsing.

Ito’y 12-part series na isinulat at idinirehe ni Shugo Praico, at nilikha naman nina Lino Cayetano, Philip King, at Shugo. Ang unang anim na episodes ay magiging available sa iWant nang libre simula Marso 20. Tatlong episodes naman ang mapapanood sa Marso 27, at ang huling tatlong episodes ay sa Abril 3.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …