ANG bongga naman ng magiging coronation night ng 2019 Miss Caloocan. Paano naman, si Derrick Monasterio ang isa sa magho-host ng grand coronation night nito sa Sabado, March 2, 7:00 p.m. sa Caloocan Sports Complex. Idagdag pa ang ibang celebrities na magiging hurado nito.
Iisa nga ang obserbasyon ng mga dumalong entertainment press sa ginanap na press presentation sa 21 kandidata ng 2019 Miss Caloocan na magaling sumagot sa mga katanungan tulad kung ano ang masasabi nila sa pagbaba ng edad ng criminal liability ng mga bata, o ano ang mas pipiliin nila, ang crown o boyfriend?
Witty din ang karamihan sa kanila sa ilan pang national issue na tinanong sa kanila.
Bale ito ang ikalimang taon ng Miss Caloocan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan at sa pamamahala ng Caloocan Cultural and Tourism Foundation (CCTF) na pinamumunuan ni Ms. Kathleen Mendoza.
Bukod sa pagrampa suot ang kanilang casual dress, rumampa rin ang mga ito sa kanilang black at orange swimwear kaya lalong nakita ang kanilang kaseksihan.
At bago natapos ang programa, itinanghal na Darling of the Press si candidate no. 5, Regina Perez na pang-beauty queen ang aura at projection.
Samantala, iginiit ni Ms. Mendoza na hinahanap nila sa timpalak na ito ang isang dalaga na magsisilbing role model sa mga kabataan at kababaihan at makapagbibigay ng magandang impluwensiya sa bawat mamamayan ng Caloocan.
“We want to take beauty pageantry to a new level wherein the winner will not only be the tourism ambassadors of the city, but they will also be our voice in promo-ting our advocacies and women empowerment,” sambit ni chairwoman Mendoza.
Dagdag pa niya, “We have so many amazing talents in Caloocan and we think that Miss Caloocan is the perfect way for us to exhibit their artistry.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio