Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yasmien Kurdi
Yasmien Kurdi

Yasmien, ga-graduate muli; tutulungan ang mga OFW

DAPAT tularan ng marami si Yasmien Kurdi! Kahit kasi abala sa kanyang showbiz career ang Kapuso actress ay nakatapos siya ng isa na namang kurso.

Graduate na rati si Yasmien ng Nursing at ngayon naman ay nagtapos siya ng Political Science.

Bukod dito ay kumuha rin si Yasmien dati ng kursong Foreign Service at na-credit ang ibang subjects niya sa pagkuha naman niya ng Pol Sci kaya naman isang taon na lang ang binuno ng Kapuso actress para magkaron ng Pol Sci diploma.

Isinabay niya ang pag-aaral sa taping last year ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Kahit habang may guesting siya sa Cain At Abel ay tuloy ang schooling ni Yasmien.

Na-inspire si Yasmien na mag-Pol Sci dahil noong nakatira sila sa Kuwait at may Gulf War ay nakita niya ang sitwasyon ng mga overseas Filipino workers.

“‘Yung mom ko rin mismo, naging OFW, nakita ko po na hindi ganoon ka-fair ang treatment sa mga kababayan natin doon.”

Mula noon ay pumasok na sa isip ni Yasmien na balang araw ay tutulungan niya ang mga OFW na may mga struggle at hirap sa ibang bansa.

Kaya plano rin ni Yasmien na mag-Master’s Degree ng Consular Diplomacy para mas lumawak pa ang magiging pagtulong niya sa mga kababayan natin abroad.

Sa April 6 ang graduation ni Yasmien ng Pol Sci.

May in-offer po na Masteral na every Saturday ang class, tapos mga one to two years siguro matatapos ko na.”

Bida si Yasmien as Miren sa Hiram Na Anak ng GMA with Dion Ignacio as Adrian.

Ipalalabas ang Hiram Na Anak simula ngayong Lunes, February 25.

Sa direksiyon ni Gil Tejada, Jr. nasa serye rin sina Empress Shuck (as Wena), Lauren Young (as Dessa), Leanne Bautista (as Duday), Vaness del Moral (as Alma), Rita Avila (as Hilda), Sef Cadayona (as Vince), Maey Bautista (as Engke), at Paolo Contis (as Benjo).

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …