Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Karla Estrada

Karla, aprub sa pagiging Comedy Momshie

PAGKATAPOS na mausisa ang lovelife, na sabi nga niya eh LDR (long distance relationship dahil nasa Colorado sa US ito para mag-asikaso ng mga negosyo) tinuldukan ni Karla Estrada ang mga sapantahang dahil sa aksidenteng napindot ni Kathryn Bernardo ang block button sa name ni Daniel Padilla, eh break na ang mga ito.

Sa press conference para sa nalalapit ng ipalabas (February 27) na  Familia BlondIna ng Arctic Sky Entertainment, nilinaw ni Karla na hindi break ang anak at si Kathryn. Dahil wala namang ganoong pangyayari.

“Kung ready na ako maging lola sa mga anak ko, eh mangyayari naman kung ready na rin sila. Actually, lola na ako sa mga pamangkin ko. At sa mga relasyon nila, ako eh lagi lang namang taga-advice,” ani Karla.

Medyo naihimatong din ni Karla na may dalawang proyekto na ngang naghihintay sa magsing-irog pag-uwi nila mula sa bakasyon sa hindi naman kalayuang lugar.

“Ako, after ng mga nangyari sa buhay ko, pagiging kuntento lang ang masasabi ko. Hindi man ako naging okay sa tatay ng mga anak ko, naging kaibigan ko pa rin naman sila. At happy ako na happy sila sa naging pagpapalaki ko sa mga bata. Kaya ako now, at that point na lalo sa relasyon, kung wala, wala. Parang okay na nga ‘yung walang commitment ‘di ba? Happy na ako, eh.”

Born in the Year of the Tiger, naniniwala si Karla na this is going to be her year bilang ang Tiger eh, secret friend ng Pig o Boar.

“Hopefully, after nitong ‘Familia BlondIna’ na I am so excited, may mga kasunod pang mga proyekto kami with Dr. Dennis (Aguirre). Sana kasama ako roon sa horror na ‘Sagada’. Nasanay na kayo sa akin sa drama. Now, comedy naman. Eh, who knows sa mga susunod pa.”

Si Jobert Austria ang bale beading man ni Queen Mother sa pelikula kaya naikompara ito sa una na niyang nakasama na si Bayani Agbayani.

“Magkaiba ang atake nila sa pagpapatawa at pareho silang mahusay. Nakatutuwa sila pareho. Kaya kung anumang sitwasyon ang ibato mo sa kanila, matatawa ka sa magkaiba nilang paraan para ka makiliti.”

Tanggap din ni Queen Mother na kilalanin siyang Comedy Momshie. ”Para rin sa iba pang mga taong makaka-appreciate sa akin para ma-reach ako. But either eh, okay naman. May pagka-personal lang ang Queen Mother. Sa pelikula ako ay nag-asawa ng Amerikano kaya nagka-anak ng tatlong blondina. Namatay kaya kinailangan na naming bumalik ng Pilipinas. Mami-meet ko naman si Jobert na may dalawang anak na blondina rin.

“Mga British accent naman ang mga dila. So, ang everyday life namin punompuno ng pagtatalo ng dalawang kultura at kung paano namin maibabahagi sa kanila ang kulturang Pinoy ang siyang puso ng pelikula.”

Makipagtawanan na sa Familia BlondIna ni Karla.

Ang huhusay ng mga ‘anak’ nila rito!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …