Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake Zyrus, modelo ng mga nagpapatanggal ng boobs

HINDI lahat ay alam na si Dr. Manny Calayan ang nagtanggal ng boobs ni Jake Zyrus noong 2017!

At recently ay hiningan namin ang sikat na beauty doctor ng update tungkol sa singer.

“Ayun, happy na, ha.

“May book siya na nandoon ako.”

Anong parte sa libro naroon si Dr. Manny?

“Chapter 1. Tungkol sa paggawa niya, kung paano siya ginawa, ‘yung reception sa kanya.”

Ang best line or phrase sa book tugkol sa kanya. ”Sabi lang niya, ‘Dr. Calayan is one of the best contributors to my’…. parang ganoon, ‘to my transformation, I will never forget him for what he did to me’.”

Ikakasal na si Jake, ”Oo nga! At saka ang ganda, may ano na talaga,  nag-swimming na siya ng topless.”

Ano ang masasabi niya na ikakasal na si Jake sa girlfriend nitong si Shyre Aquino?

“Wala, okay lang, I’m happy for him.”

Kapag kinuha siyang ninong?

“Go! All the way naman tayo eh.”

Mayroon pa bang lumapit sa ‘yo na gustong magpatanggal ng boobs?

“After niya? Ang dami!”

Ginawa niya?

“Oo!”

May celebrity?

“Wala pa naman, siya pa lang, si Jake pa lang.”

So marami pala ang nais matulad kay Jake?

“Ang dami!”

Hindi siguro alam ng iba kung kanino magpapagawa o magpapatanggal?

“Oo, at saka hindi nila alam kung paano, kung puwede, ‘di ba si Jake salita rito salita roon, picture rito picture roon, tapos puro pangalan ko ‘yung sinasabi.”

Mukhang lalaki na talaga si Jake.

“Pati boses, ang baba na. Nag-aano naman siya, nagho-hormones. Ang ginawa ko lang naman is surgical part, pero may ibang doctors siya for the hormones.”

Ang bagong branch ng Calayan Surgicentre ay sa Festival Mall sa Alabang.

“Cebu muna 2016, tapos 2017 ‘yung Davao. ‘Yung sa Cebu ‘yung SM Seaside. Sa Davao naman SM Lanang. Tapos last year, SM Trinoma, tapos nitong August ‘yung Alabang, Festival Mall.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …